NGAYON ANG IKA 111st NA ANIBERSARYO NG ARAW NG KALAYAAN NG PILIPINAS. Ngunit, sa paglipas ng isang daan at labing isang taon, tunay nga ba tayong malaya na?
May mga pagkakataong gusto kong isipin na hindi na tayo nakagapos sa mga bansang banyaga dahil nagkaroon na tayo ng kalayaan sa pamamalakad ng gobyerno. Ngunit, ano ang kalagayan ng mga Pilipino ngayon? Mayroon na nga ba siyang dangal na matatawag? Taas noo na nga ba ang bawat Pilipino kahit kanino?
Sa mga nakalipas na araw, samu’t saring problema ang dinaranas ng ating bansa. Mga problemang lalong nagpapalugmok ng bawat mamamayan. Mga problemang animo’y walang katapusan. Paano babangon ang isang Juan dela Cruz kung mismong mga namumuno sa ating bayan ang nagbabangayan? Paano tayo makakalaya kong mismong mga halal ng bayan ang siyang nanguna upang itali ang bawat mahihirap na pinoy sa kanilang pamamahala? Paano na ang walang tigil na pagbulusok ng presyo ng mga pangunahing bilihin? Ang walang humpay na pagtaas ng gasolina. Paano pa makakain ng masustansyang pagkain ang karamihan ng ating mamamayan kung mismong bigas ay di na rin kayang bilhin? Andiyan pa ang mataas na singil ng kuryente na hanggang ngayon ay pasanin ng taong bayan.
Tunay nga bang malaya na ang aking Inang Bayan sa mapang-diktang bansang dayuhan?
Pagod na ang mga Pilipino sa pagiging alipin ng ibang bansa. Ngunit, ano ang tunay na kalagayan ng mga taong naturingang malaya? Namumuhay ba ang bawat Pilipino na may dangal? May sapat ba siyang kabuhayan upang mapagkukunan ng maihanda sa hapag-kainan at maihatid sa paaralan ang bawat kabataan? Habang, salat pa rin ang karamihan ng ating kabataang pinoy sa edukasyon at habang patuloy na tumataas ang bilang ng mga walang trabaho, hindi pa rin tayo malaya.
Paano maging malaya ang isang taong hindi alam ang kaniyang karapatan at responsibilidad sa bayan? Habang patuloy na nililisan ang ating bayan ng daan-daang pinoy araw-araw upang makipag-sapalaran sa ibang bansa, matugunan lamang ang pangangailangan at kinabukasan ng bawat pamilya, patuloy pa rin tayong nakagapos sa mga bansang banyaga. Hangga’t hindi nasusugpo ang patuloy na pagtaas ng krimenalidad sa bansa at balot sa takot ang bawat mamamayan sa sariling lupa, tayo ay isang bilanggo pa rin. Habang patuloy na hina-harangan at dinudukot ang mga mamahayag na walang ibang layunin ang maghatid ng totoong balita sa publiko, nakatali pa rin ang mga paa ng bawat Pilipino sa mismong sariling bayan at patuloy na naghahangad ng isang tunay na kalayaan.
Ang isang taong malaya ay may dangal. Hindi siya nagpapadikta kahit kanino, kungdi sa sarili lamang.
Papano nga ba natin ito makamtan?
Ang dangal ay nagmumula sa atin mismong mga sarili. Ang taong may dangal ay marespeto sa sarili at sa kanyang kapwa. Ito ay sumusunod sa mga patakaran ng kanyang bayan. Ang taong may dangal ay may pagmamahal sa kanyang kapwa at sa kanyang bayang kinagisnan. Ang taong may dangal ay naglilingkod ng tapat para sa kanyang sarili at sa bayan. Kailan ka ba magigising sa katotohanan?
May pag asa pa ba tayo?
Walang ibang magtataguyod sa Pilipino kung hindi kapwa rin niya Pilipino. Walang ibang bansa ang mag-aruga sa isang Pilipino kung hindi ang kanyang bansang kinagisnan.

Ipakita natin sa buong mundo na may pag asa pa ang bayang ito. Ipamukha natin sa bansang banyaga na tayong mga Pilipino ay marunong bumangon sa gitna ng kahirapan. Dahil ang isang pinoy ay matatag at busilak ang kanyang puso.
Bawat pinoy ay may determinasyong makamtan ang mga minimithi sa buhay dahil bawat isang pinoy ay nais magkaroon ng dangal na maging simbolo ng isang tunay na bansa…isang bansang malaya.
Comments
the lowly blame others for their bondage, and do nothing but place blame... i am not one to go out into the streets and scream "down with the system"
Maaari ko po bang gamitin ito para sa aking proyekto sa paaralan?