Skip to main content

Mga parausang lumang sinehan

NAG DESISYON na ang Korte Suprema na labag sa Konstitusyon ang ordinansa na nagbabawal ng short time sa mga motel sa siyudad ng Maynila.

Wala na ring balak pa umanong maghain ng apela si mayor Alfredo Lim sa naturang desisyon.

Nagbabala naman si Lim na handa niyang ipasara ang anumang motel sa lungsod ng Maynila sakaling may makita sila na pinapayagan na magpapasok ng mga estudyante para magshort time.
Pero, teka, ito talaga ang pakay ko, ang mga lumang sinehan sa Metro Manila.

Taong 2005, balak ko na itong iparating sa dati kong boss na Kongresista, ang patuloy na pamamayagpag ng mga lumang sinehan sa Maynila. Subalit, may tila tinik sa aking lalamunan na nakabara. Tila, wala akong boses sa tuwing ako ay maghahanda sa aking mga sasabihin. Tila, nakagapos ang aking mga kamay para isulat ang mga hakbang na dapat kong irekomenda para masulosyunan na ito.

Alam ko, ikaw ay pamilyar ukol sa mga lumang sinehan sa buong Kamaynilaan.

Sa unang pasok ko sa ganitong sinehan, ako ay tuwang tuwa. Napanood ko na ang pelikula ni Rossana Roces na hindi ko nasilayan noong nasa probinsya pa lamang ako. Sa halagang Php35.00 (ngayon ay php50.00 na) ay makakapanood ka na ng dalawang pelikula.

Pero, sa harap pa lang ng pintuan ay tila may naka abang na dragon na bumubulwak ng mainit na apoy. Madilim at talagang pagpapawisan ka pagpasok mo pa lang sa loob. Nabigla ako dahil may malagkit na katawang dumikit sa akin. Hinding hindi ko maaninag ang kanyang mukha.

Paikot-ikot ang mga parokyano na animo'y isang pasyalan ang buong kapaligiran ng sinehan.

Hindi mo na halos maiintindihan ang palabas. Minsan hindi mo na rin maririnig ang dialogo ng buong pelikula pero nakakabibingi ang diskusyunan ng bawat isa. Mas maiintidihan mo ang tunay na palabas sa bawat sulok ng sinehan. Mas malinaw ang tunay na kuwento ng buhay ng bawat manonood.

Ang mga lumang sinehan ay isang malaking hawla ng katotohanan. Isang hawla ng panandaliang aliw. Isang hawla ng parausan.

Ngayon lang ako nababahala sa tunay na larawan ng mga lumang sinehan. Subali't sino ba ako para kutyain ang kanilang nakasanayang gawain? Sino ba ako para husgahan ang bawat ibong dadapo sa hawla?

Sa kabilang banda, anu ba ang dapat nating gawin sa mga ganitong klaseng lugar? Ngayon lang ako naguluhan sa tunay kong adhikain ukol dito.

Sa ginawang raid ng mga otoridad ng lungsod ng Maynila noong nakaraang buwan sa Lords Theater (Isa ito sa pinaka lumang sinehan ng lungsod) sa may Avenida, Sta Cruz, inihayag ni Lim na kanyang ipasasara ang mga lumang sinehan sa Maynila kung kanyang matuklasan na pinahihintulutan ng mga namamahala ang kanilang mga manonood na gumawa ng kalaswaan sa loob ng sinehan.

Ikaw, kapatid, payag ka ba na ipasara na lang ang mga lumang sinehan sa Kamaynilaan?

Comments

Yffar (^^,) said…
kakaloka ang unang lines, akala ko kung tungkol talaga sa short time motel. pero in-fairview relevant sila kasi they both discuss places for short time pleasures.

naalala ko pa noong maging 18 years old ako... wahahahahha. una kong sinubukang pumasok sa ganyang klase ng sinehan. hehehehe. may kasama ako, di naman kami makagawa ng kababalaghan kasi may nagrorondang guard na may flashlight. kiss lang, walang cheness.. hahaha... siyempre bata pa ako nun.. *ang kanti*

sana huwag na lang payagan ng nagpapatakbo ng sinehan yung mga ganyang acts. ayon sa aking bubwit, pati sa baclaran may mga ganyan din. let's just live our lives ethically. huwag naman sa public places like sinehan. ayun lang po..
BUHAY BAYOT said…
Hi Yffar, ako ay naguluhan na.

My lips are sealed as of the moment. Ayokong magagalit ang mga baklush sa akin.

Pero, tama ka, wag na lang payagan ng mga namamahala ng mga sinehan ang ating mga kapatid na gumawa ng mga kalaswaan.
Ming Meows said…
Hindi kailangang alisin ang problema. Maglagay lang ng solusyon.
Dapat kasi gawing legal ang pagtayo ng mga bahay parausan. Sana maging sensitibo ang pamahalaan sa mga pangangailangan natin. Hwag maging ipokrito ikanga.
Yffar (^^,) said…
hmmmm...

hindi naman sa pagiging ipokrito ang pagbabawal sa mga malaswang gawain gaya ng pakikipagtalik sa publiko.. yan ay grave public scandal. ang pinag-uusapan po natin sa topic na ito ay mga sinehan. Mga public access.

bakit hindi na lang natin ipakita sa buong pilipinas na hindi tayo kagaya ng inaakala nila. nais ba nating tawagin tayong mga imoral dahil sa makamundong gawain na maari namang gawin sa mga pribadong lugar ay hindi naman sa mga pampublikong lugar. sex is supposed to be private.

hindi lahat ng tao ay nagpupunta sa sinehan para makipag-niig.

kung hihingin natin sa gobyerno na hayaan ang mga ganyang gawain, hindi ba tayo nanghihingi ng special na karapatan, samantalang ang ipinaglalaban ng mga organisasyon ay pantay pantay na karapatan. hindi espesyal na karapatan.

sa isang bansang konserbatibo gaya ng pilipinas, ang pagiging bakla na nga lang ay hindi nila tanggap, pagtatayo pa kaya ng isang bahay parausan...

even if we have imperfections, let us live with ethical principles. Since we want them to respect us, let us show that we are to be respected. mwah.
Ming Meows said…
nice argument. hanga ako sayo kapatid!
Yffar (^^,) said…
nyek...

may ganun...

ang cute ng kuting..

hahaha
Ming Meows said…
@yffar. ganun lang talaga ako. pag-iba ang opinyon, tahimik lang.
it's nice to see different views from people here. kaya nga tinawag na rainbow, deba teh?
Ming Meows said…
naalala ko tuloy yung local TV show dito sa visayas, may segment about debate. Mga bading yung debaters pero syempre may comic twist. Ang title yata nun is "Deba Teh?". Pwede sya i-incorporate dito. Y not, deba teh?
Mac Callister said…
dpat na ipasara kasi di naman talaga maganda na ang reputation ng mga sinehan na yan e.

may tamang lugar para gawin ang mga bagay n ginagwa jan sa mga sinehan n yan.

nagiging pugad lang ng prostitution e.
Yffar (^^,) said…
@ming meows

hi kapatid,,

hehehe.. ok po.
Jffklein said…
there's nothing wrong with those lumang sinehan! somehow, ilang bibig ang hindi makakakain ng bigas kung ipapasara ang mga iyan! lets probably look on the brighter side of the story.

these people are working. given na yun. gusto nilang kumita ng pera.

may mga taong pumapasok sa sinehan. halo-halo. iba-t ibang motibo. dun na pumapasok ang kalaswaan.

if we gays will not patronize and join the bandwagon of making landi inside the sinehan, there might be no problem.

pwde naman nating ilabas ang init sa ibang lugar. wag naman sana sa mga lugar na pampubliko!
BUHAY BAYOT said…
Dapat bang sa hanay natin mismo magmula ang mga hakbang, kapatid?

Honestly, ako man ay nababahala sa aking kaligtasan sa aspetong kalusugan sa simpleng kadahilanang isa itong lugar na malaki ang tsansang makasaganap ng sakit ang sinuman
Minsan sa buhay ko ay naging reyna ako ng Queens Theater sa davao city. Ako yung rumarampa at naghahanap ng hada. Pero madalas, ako ang nahahada. Nagsara na ang sinehan.

Sa aking buhay Manila, halos gabi-gabi rin ako laman ng dating Mehan Garden, Lawton bus station, golf course, at city hall underpass. Kahit ang naglalakihang poste ng LRT sa Arroceros Street ay ginawa kong taguan habang nakikipaglapangan sa mga anino sa dilim. Hindi na pwede ngayon kasi may SM na at maliwanag na ang lugar.

Nang lumipat ako ng tirahan sa Forbes (as in FOR-BES) Street sa España, naging libangan ko rin ang palibot ng UST. Ewan ko kung may aksyon pa ba doon.

Pagbalik ko ng Davao City, marami na ang nagbago. Di na pwedeng manlalaki sa parks, wala na rin ang dating madilim na lugar sa tabi ng Maguindanao Hotel. Di na rin pwede sa mga ATM booths kasi may security guards na. Pero may natitira pang sinehan - ang Lawaan. Di ako pumapasok doon, di ko kabisado ang lugar.

Habang tumatagal, paliit nang paliit ang mga lugar na pwedeng gamitin ng mga bading. Hindi dahil likas na exhibitionist ang mga bakla, gusto lang makatipid. Sayang din ang pera pang-motel. Delikado rin magdala ng di kilala sa bahay. Sa madidilim na lugar inihahayag ng mga bading, tago man o hindi, ang kanilang mga sarili, ang kanilang pagkatao.

Dahil dito, nawawalan na ng "space" ang mga bading na walang pera pangmotel o sariling bahay.


Ito yata ang tinatawag na development agression.

At tulad ng tunay na anyo ng pag-unlad, ang mahihirap, bading man o hindi, ang nasasagasaan.

yun lang.

tse!
Ming Meows said…
i was just wondering if tayo lang sa pinas ang may ganitong sitwasyon.
Empress Maruja said…
Mga Ateng, kahit sa Amerika't Britanya uso rin ang cruising sa mga parke o kaya sa mga bathhouse na ginawang gym kuno.

Ako inaamin ko sa mga sinehan ako nakaranas ng mga masasayang gabi. Libre ba naman ang hada at hindi mo na kailangang mag-invest ng load, sneakers, at limang bote ng Red Horse para lang makahala. Hindi mo rin kailangang magpalaki ng katawan at sabay-sabay na pumasok sa sauna para lang makabooking.

Of course, public place pa rin ang mga sinehang ito. Kung tutuusin krimen ang ginagawa namin, pero maituturing ding krimen ang pag-iipit ng simbahan at gobyerno sa kalayaan ng mga baklang ihayag ang kanilang pagmamahal at seksuwalidad.

Ngayon tumigil na ako. Nakakaalarma na ang risk dito sa Pilipinas na mahawaan ng STI (puwede kang magka-herpes sa hada lang).
Oliver said…
@Yffar, I quite agree esp with ur 2nd comment (di ko na iq-quote).

Maybe I'm more prude than I thought I am. I do recognize that sex in public places has its thrill, and I suppose it's one of the 'charms' of the old movie houses.

But that in itself is the problem: it's thrilling coz it's risky (not only the risk of getting caught but it also posts other health and social problems)

As for our tastes and preferences pagdating sa sex, I believe no one has a right to tell you to do otherwise (as long we don;t hurt anyone, right?) But I guess in the interest of public safety, etc etc, I suppose the government is held responsible in reducing the risks to society (and our community) and if that means shutting down these places.. well then... can't argue with that...

After all, sabi nga ni Mandy Moore, hindi lang nman sinehan ang cruising spots...
Quentin X said…
It won't be long before the government decides to bring in the morals police. The Philippines is less and less freer each day.
BUHAY BAYOT said…
for Mac Callister:
....dpat na ipasara kasi di naman talaga maganda na ang reputation ng mga sinehan na yan e....may tamang lugar para gawin ang mga bagay n ginagwa jan sa mga sinehan n yan.... nagiging pugad lang ng prostitution e.

>>>> Very well said.

Nagiging pugad na talaga ng prostitusyon.
BUHAY BAYOT said…
for Geisha:

Isa din yan sa mga reservations ko. Paanu na lang ang mga empleyado nila.

Dapat talaga mag mula ang aksyon sa mga namamahala ng mga sinehan.

My gayest greetings to you!
BUHAY BAYOT said…
for MANDAYA MOORE:

Sa kanyang kinagisnang pamamaraan ay doon na siya magiging komportable. Subalit, wala akong nakikitang masama, basta bah, endi siya nakakasakit ng ibang tao. Para sa akin yun ang pinakamahalaga kapatid.

Happy Velentines!
BUHAY BAYOT said…
for MANDAYA MOORE:

Sa kanyang kinagisnang pamamaraan ay doon na siya magiging komportable. Subalit, wala akong nakikitang masama, basta bah, endi siya nakakasakit ng ibang tao. Para sa akin yun ang pinakamahalaga kapatid.

Happy Velentines!
Unknown said…
Dati yung mga late 90s hanggang 2002, okay ang mga sinehan. Been there, been that... ika nga. Star Cinema sa Libertad Pasay, Crown Cinema at Ginto sa may Isetann-Recto. Republic sa may Avenida at ang walang kakupas-kupas na Alta Cinema sa Cubao. Later than that, nakakatakot na ang sinehan para sa mga bakla. Laganap na ang raid and nakawan. Kaya, nag-retire na ako at lumipat na sa massage parlor.

Actually, wala ka nang madadatnan dun. Nakakasurprise nga nang bumalik lang ako mga 2005, ang iba sarado na. Yung mga bukas pa, magugulat ka kasi the same people are there na tumanda na. My gulay. Nakakadepress. During that time din ako nabiktima ng isang pinilit na humada sa akin tapos yun pala kolboy daw sya at nagdedemand ng bayad. Eh sya yung namilit kahit di ko sya type? Tama ba naman yun? Para wala nang argumento at iskandalo binigyan ko nalang ng 50 pesos. Haay..

Siguro dapat na lang nga ipasara ang mga yan. Although haven yan ng mga taong gustong magpaka-discreet, nagiging pugad naman din ito ng mga taong gustong magsamantala sa mga bakla, tulad ng mga magnanakaw etc.
SHOWBIZ WORLD said…
for The Bashhh:

Ang nakakatakot dito, hindi na ito nagiging pugad ng mga bading lamang kundi maging sa mga kawatan at callboy (daw)!

Pugad na ito ng prostitusyon!
Quentin X said…
Prostitution is called the oldest profession for good reason. It has been there since time immemorial. Let us not bury our heads in the sand. Treat them like professionals. Make it legal. That way, it can be regulated and sex workers be protected better through education.
Anonymous said…
ano bang naiba? eh gawain naman lahat ng pinoy to? ayusin ang traffic para makauwi kasi!
Anonymous said…
Maka-ilang ulit na rin akong bumisita sa mga ganitong sinehan. Nagulat ako kahapon dahil naka-saksi ako ng fist fight with matching tadyak pa sa loob ng isa sa mga sineng ganito. Dalawang effeminate (of different degrees) men ang sangkot. Nagsimula sila sa sigawan at nagtuloy nga sa sapakan. At gaya ng karamihan ng laban, merong panalo, at may talunan/luhaan. Pero makalipas ang ilang minuto ng pagpupunas ng luha, hayun! Nakita ko ang talunan, taas-babang nakasubsob nang muli ang ulo sa kandungan ng bagong dating na manonood.

Popular posts from this blog

Rainbow Blog of the Week

The search is on for the most anticipated competition in the world of blogging parrots. Presenting..... Rainbow Blog of the Week Mechanics. Nomination 1. All members/supporters/visitors are welcome to submit their nominations on the comment page of "Rainbow Blog of the Week". 2. All submitted links or nominations are subject for verification and authenticity. 3. Only the fist five nominees will be accepted every week. 4. The lists are then consolidated and submitted to the screening commitee. 5. All blogs that are previously nominated can be nominated again, except the blogs who won the Rainbow Blog of the Week for three (3) times. Voting 1. Everyone can vote on a daily basis. 2. The poll result shall constitute 40% of the total score. Criteria for judging Aside from the number of votes garnered from the poll, nominees are also given additional points by the judges based on the following criteria. There shall be three (3) to five (5) judges and the average of their scores for...

Discrimination (Again) at Aruba Bar: BB Gandanghari Refused Entry

Aruba Bar in Metrowalk has done it again. This bar, which reeks of discrimination, has continually refused entry to transgenders via a sign at the entrance: No Cross-Dressing. BB Gandanghari went to Aruba Bar & Restaurant because she wanted to watch her friend Rannie Raymundo’s show. But she and her friends were denied entry because they were cross-dressing. A similar incident happened not so long ago - at the same bar, to a different person: Inday Garutay. Continue Reading