Skip to main content

Posts

Showing posts with the label Philippine Independence

PILIPINAS, TUNAY NGA BANG MALAYA NA?

NGAYON ANG IKA 111st NA ANIBERSARYO NG ARAW NG KALAYAAN NG PILIPINAS. Ngunit, sa paglipas ng isang daan at labing isang taon, tunay nga ba tayong malaya na? May mga pagkakataong gusto kong isipin na hindi na tayo nakagapos sa mga bansang banyaga dahil nagkaroon na tayo ng kalayaan sa pamamalakad ng gobyerno. Ngunit, ano ang kalagaya n ng mga Pilipino ngayon? Mayroon na nga ba siyang dangal na matatawag? Taas noo na nga ba ang bawat Pilipino kahit kanino? Sa mga nakalipas na araw, samu’t saring problema ang dinaranas ng ating bansa. Mga problemang lalong nagpapalugmok ng bawat mamamayan. Mga problemang animo’y walang ka tapusan. Paano babangon ang isang Juan dela Cruz kung mismong mga namumuno sa ating bayan ang nagbabangayan? Paano tayo makakalaya kong mismong mga halal ng bayan ang siyang nanguna upang itali ang bawat mahihirap na pinoy sa kanilang pamamahala? Paano na ang walang tigil na pagbulusok ng presyo ng mga pangunahing bilihin? Ang walang humpay na pagtaas ng gasolina. Paano...