Skip to main content

PILIPINAS, TUNAY NGA BANG MALAYA NA?

NGAYON ANG IKA 111st NA ANIBERSARYO NG ARAW NG KALAYAAN NG PILIPINAS. Ngunit, sa paglipas ng isang daan at labing isang taon, tunay nga ba tayong malaya na?

May mga pagkakataong gusto kong isipin na hindi na tayo nakagapos sa mga bansang banyaga dahil nagkaroon na tayo ng kalayaan sa pamamalakad ng gobyerno. Ngunit, ano ang kalagayan ng mga Pilipino ngayon? Mayroon na nga ba siyang dangal na matatawag? Taas noo na nga ba ang bawat Pilipino kahit kanino?

Sa mga nakalipas na araw, samu’t saring problema ang dinaranas ng ating bansa. Mga problemang lalong nagpapalugmok ng bawat mamamayan. Mga problemang animo’y walang katapusan. Paano babangon ang isang Juan dela Cruz kung mismong mga namumuno sa ating bayan ang nagbabangayan? Paano tayo makakalaya kong mismong mga halal ng bayan ang siyang nanguna upang itali ang bawat mahihirap na pinoy sa kanilang pamamahala? Paano na ang walang tigil na pagbulusok ng presyo ng mga pangunahing bilihin? Ang walang humpay na pagtaas ng gasolina. Paano pa makakain ng masustansyang pagkain ang karamihan ng ating mamamayan kung mismong bigas ay di na rin kayang bilhin? Andiyan pa ang mataas na singil ng kuryente na hanggang ngayon ay pasanin ng taong bayan.

Tunay nga bang malaya na ang aking Inang Bayan sa mapang-diktang bansang dayuhan?

Pagod na ang mga Pilipino sa pagiging alipin ng ibang bansa. Ngunit, ano ang tunay na kalagayan ng mga taong naturingang malaya? Namumuhay ba ang bawat Pilipino na may dangal? May sapat ba siyang kabuhayan upang mapagkukunan ng maihanda sa hapag-kainan at maihatid sa paaralan ang bawat kabataan? Habang, salat pa rin ang karamihan ng ating kabataang pinoy sa edukasyon at habang patuloy na tumataas ang bilang ng mga walang trabaho, hindi pa rin tayo malaya.

Paano maging malaya ang isang taong hindi alam ang kaniyang karapatan at responsibilidad sa bayan? Habang patuloy na nililisan ang ating bayan ng daan-daang pinoy araw-araw upang makipag-sapalaran sa ibang bansa, matugunan lamang ang pangangailangan at kinabukasan ng bawat pamilya, patuloy pa rin tayong nakagapos sa mga bansang banyaga. Hangga’t hindi nasusugpo ang patuloy na pagtaas ng krimenalidad sa bansa at balot sa takot ang bawat mamamayan sa sariling lupa, tayo ay isang bilanggo pa rin. Habang patuloy na hina-harangan at dinudukot ang mga mamahayag na walang ibang layunin ang maghatid ng totoong balita sa publiko, nakatali pa rin ang mga paa ng bawat Pilipino sa mismong sariling bayan at patuloy na naghahangad ng isang tunay na kalayaan.

Ang isang taong malaya ay may dangal. Hindi siya nagpapadikta kahit kanino, kungdi sa sarili lamang.

Papano nga ba natin ito makamtan?

Ang dangal ay nagmumula sa atin mismong mga sarili. Ang taong may dangal ay marespeto sa sarili at sa kanyang kapwa. Ito ay sumusunod sa mga patakaran ng kanyang bayan. Ang taong may dangal ay may pagmamahal sa kanyang kapwa at sa kanyang bayang kinagisnan. Ang taong may dangal ay naglilingkod ng tapat para sa kanyang sarili at sa bayan. Kailan ka ba magigising sa katotohanan?

May pag asa pa ba tayo?

Walang ibang magtataguyod sa Pilipino kung hindi kapwa rin niya Pilipino. Walang ibang bansa ang mag-aruga sa isang Pilipino kung hindi ang kanyang bansang kinagisnan.

Ipakita natin sa buong mundo na may pag asa pa ang bayang ito. Ipamukha natin sa bansang banyaga na tayong mga Pilipino ay marunong bumangon sa gitna ng kahirapan. Dahil ang isang pinoy ay matatag at busilak ang kanyang puso.

Bawat pinoy ay may determinasyong makamtan ang mga minimithi sa buhay dahil bawat isang pinoy ay nais magkaroon ng dangal na maging simbolo ng isang tunay na bansa…isang bansang malaya.

Comments

Pinoy ako said…
Until now, we haven't achieve true freedom yet. In the sector of lgbt, we are still locked up and not free of ourselves
I know I am truly free, I am free to choose if I should stay here or move somewhere else... I have been offered many jobs abroad to practice my art, but I chose to stay here -give or take the trials and tribulations of my motherland- I am here to stay and contribute whatever I can for I know I was meant to be here.

the lowly blame others for their bondage, and do nothing but place blame... i am not one to go out into the streets and scream "down with the system"
Unknown said…

Maaari ko po bang gamitin ito para sa aking proyekto sa paaralan?

Popular posts from this blog

Mga parausang lumang sinehan

NAG DESISYON na ang Korte Suprema na labag sa Konstitusyon ang ordinansa na nagbabawal ng short time sa mga motel sa siyudad ng Maynila. Wala na ring balak pa umanong maghain ng apela si mayor Alfredo Lim sa naturang desisyon. Nagbabala naman si Lim na handa niyang ipasara ang anumang motel sa lungsod ng Maynila sakaling may makita sila na pinapayagan na magpapasok ng mga estudyante para magshort time. Pero, teka, ito talaga ang pakay ko, ang mga lumang sinehan sa Metro Manila. Taong 2005, balak ko na itong iparating sa dati kong boss na Kongresista, ang patuloy na pamamayagpag ng mga lumang sinehan sa Maynila. Subalit, may tila tinik sa aking lalamunan na nakabara. Tila, wala akong boses sa tuwing ako ay maghahanda sa aking mga sasabihin. Tila, nakagapos ang aking mga kamay para isulat ang mga hakbang na dapat kong irekomenda para masulosyunan na ito. Alam ko, ikaw ay pamilyar ukol sa mga lumang sinehan sa buong Kamaynilaan. Sa unang pasok ko sa ganitong sinehan, ako ay tuwang tuwa.

Diskriminasyon sa Mga Dalaw sa Kulungan

( Isang sulat mula sa aking kaibigan) Mga Kasama: Isang mapagpalang araw sa lahat. Nais kong ibahagi at idulog sa mga kinauukulan ang isang kongkretong anyo ng diskriminasyon sa ating hanay na dinanas ko noong Biyernes, Pebrero 13 sa Camp Sampaguita sa Muntinlupa City. Pang-apat na pagdalaw ko na sa aking katipan na nakapiit sa Medium Security Camp sa Muntinlupa City noong Biyernes. Una ay noong kaarawan niya noong Nobyembre 28, pangalawa noong Pasko at pangatlo noong Bagong Taon. Noong unang dalaw ko, nabasa ko sa mga patakaran ng kulungan na nakapaskil sa dingding ng tanggapan ng mga dalaw ang isang partikular na patakaran na bawal ang "effeminate visitors unless they are relatives of the inmates". Doon pa lang ay alam ko nang isa itong mapagdiskriminang patakaran. Wala namang naging aberya sa pagdalaw ko noon maski noong Pasko at Bagong Taon. Nitong 7:30 am ng Pebrero 13 ay tinanong ako ng babaeng empleyado on duty sa overseer's office (na lagi ko nang