Skip to main content

Ang Lantarang Diskriminasyon sa Relasyong Magkapareho ng Kasarian sa Close Up Lovapalooza

Gusto ko lang i-share ang naging karanasan ko sa Lovapalooza na ito.

Noong Friday, nabigyan ako at ng partner ko ng libreng ticket sa Lovapalooza ng isang taga-kumpanya ng San Miguel Beer. Hindi ko naman hiningi ngunit gusto ko din pumunta dahil tutugtog ang isa sa mga paborito kong banda na Pupil. Wala talaga kaming balak pumunta doon dahil inaasahan namin na magiging marami ang tao ngunit dahil nabigyan na kami ng VIP ticket eh sayang naman kaya ginamit na rin namin. Wala naman talaga kaming balak din mag-date o makisabay sa mga magsing-irog na nagdiriwang nito.

Sabado, araw ng mga puso. Dumating kami ng SM Mall of Asia ng mga 7:30 pm, Bamboo na ang tumutugtog. Pumasok kami sa entrance at hindi na kinailangan na magrehistro (kung couple o single) dahil may tickets na kami. Dahil sa couple naman talaga kami ng aking partner eh sa couples entrance kami nagbalak pumasok. Sa kasamaang palad eh ayaw kami papasukin ng lady guard kasi hindi daw kami couple. Sinabi ko sa kanya na ang kasama ko ay ang partner ko at may relasyon kami. Sinabi niya na babae lamang at lalake daw ang pwede. Nang tinanong ko naman kung bakit eh wala naamang sinabi at tinitigan lang ako. Sa unang reaksyon ay nagalit ako dahil lantarang pag-discriminate sa aming lesbian relationship. Kaya pumasok kami sa singles area. Nakahati kasi ang mga couples at singles sa VIP. Ang mga masasarap na food booths ay naroon sa couples area samantalang sa singles area ay Mcdo lamang. Dahil hindi pa kami kumakain ng hapunan eh balak sana namin na kumain ng hindi Mcdo lamang. May lagusan sa gitna para makadaan papunta sa couples area pero ang pinapayagan lamang nila na lumabas pasok duon ay ang mga heterosexual na couples. Kung parehong kasarian, ang isa lamang ang pwedeng pumasok duon at bawal sumama ang partner.
Pansin na pansin na ang mga relasyong may kaparehong kasarian ay nasa singles area at puro mga heterosexual lamang ang nasa couples area.

Noon pa man ay hindi ko na gusto ang ganitong kalakarin ng Lovapalooza dahil alam ko ngang may ganito. Iba pala pag ikaw na ang nasa sitwasyong ganoon. Dahil sa binigyan lang kami ng ticket kaya kami naroon at hindi dahil sa gusto naming maghalikan para sumama sa world record. Sa inis namin ay kumain na lang kami sa disenteng lugar tulad ng UCC na sa ikalawang palapag. Kita parin naman ang stage, may video wall pa doon na kitang-kita ang mga tumutugtog, maluwag na ang lugar at saka hindi nang-aalipusta ng kapwa.


Comments

Raiden Shuriken said…
way to go! dapat talaga pino-protesta ang ganyang mga walang kakwenta-kwentang gimik. halata namang it was made all in the name of money (commercialism).

personal experiences of discrimination like this should be brought out in the open.

cheers!
red
Kokoi said…
Masakit 'to para sa akin. Sana may magawa ang LGBT community sa diskriminasyong ito.
Jffklein said…
sobra na to! time to declare war!
My name is Jin said…
this has been the Lovapalooza set up for the past years. Around nung time na sa baywalk pa ang palooza, ganun din ang mga LGBT couples. Dun din sila sa tagiliran. Kaya umalis na lang kami ng partner ko
crankygoggled said…
ang ganda ng site na to ah.. wahehehe.. yeah.. asar din ako sa mga diskriminasyon na ganyan.. hayzzz
PinayTG said…
Anti-LGBT talaga ang Lovapalooza, that's why last year as part of the Pride Celebrations we had an LGBT kiss fest at Club Government in Makati. Sadly, not many couples attended.

I hope the Lovapalooza policy against LGBT couples will change in the future. Maybe with your story we can start a signature campaign of protest and send it to the organizers of the event.

Otherwise, let's hold our own Lovapalooza at tapatan natin ang event nila. Let's show them we really have the numbers when in comes to love. (I HOPE!) :)

Hope you and your partner will turn this experience into an opportunity for change. ;)
Rockerfem Sha said…
oo gawa na lang tayo ng sarili natin, haha. may world record na ba ang pinakamaraming same sex couples na nagkiss? haha. next level ang gusto eh. probably next year gumawa tayo ng sarili nating ganon sa mismong lovapalooza as a protest din. mga bokot sila!!!
Ham Viloria said…
Close up lang naman yan eh, let's invite Colgate at gawa ng Homopalooza for gay couples. O db, talbog! hehe
Yffar (^^,) said…
ate pau, can we make it a TFP event???

or sa mismong pride march gawin?

la lang

pantapat lang
Yffar (^^,) said…
ate pau, can we make it a TFP event???

or sa mismong pride march gawin?

la lang

pantapat lang
Rockerfem Sha said…
@badingako,
wahaha homopalooza talaga eh. close up pa naman toothpaste ko. lol.
... said…
that's not surprising na. they've done it before (the bawal ang same-sex couple). i don't patronise that brand din kasi, lalo na yung mga gimmick nila. mabuti pa ang colgate, may kabuluhan ang ginagawa.

that's all. hahaha

rockerfem, i think i know u from tpc.
Ming Meows said…
short-term solution: kumuha na lang sya ng another same-sex couples ng opposite gender!

laos na yang lovapalooza. para lang yan sa mga PDA. di na natin makukuha ang kissing record,nasa mexico na.
Yffar (^^,) said…
@rockerfem

magpalit ka na kasi ng toothpaste; HAPPY! oh kaya BEAM!

o kaya ang sponsor natin pdeng hindi toothpaste, gawin nating mouthn wash. Listerine. hahahha
Rockerfem Sha said…
@yffar,
bagay siguro kung happy ang sponsor tapos ang tagline eh "it's nice to be happy and gay!" ayon. choz lng.

@mel beckham,
question, what's tpc? hehe. :)
BUHAY BAYOT said…
Dapat papadalhan ng sulat ang mga namumuno nito. Bakit may diskriminasyon?
Empress Maruja said…
They will never get the world record anyway. Hungary has already set the record too high.
Empress Maruja said…
I agree rin na gumawa na lang tayo ng isang bonggang kissfest among LGBT couples. Organize natin nang bonggang-bongga for next year. Kahit walang advertisers, media mileage lang ang kailangan at go na go 'yan. Kebs sa Church chuva, dagdag publicity rin sila.
BUHAY BAYOT said…
pede natin itong idulog kay danton para ang ladlad na lang ang mag organize nito this year.

what dya think, mga sista?
Unknown said…
I don't think it matters. You can kiss elsewhere and still remain a couple, right? To hell with yet another trying hard attempt at copying another country's kiss fest. Seriously, would you want to be caught dead in something as cheap and stupid as that?

Popular posts from this blog

Mga parausang lumang sinehan

NAG DESISYON na ang Korte Suprema na labag sa Konstitusyon ang ordinansa na nagbabawal ng short time sa mga motel sa siyudad ng Maynila. Wala na ring balak pa umanong maghain ng apela si mayor Alfredo Lim sa naturang desisyon. Nagbabala naman si Lim na handa niyang ipasara ang anumang motel sa lungsod ng Maynila sakaling may makita sila na pinapayagan na magpapasok ng mga estudyante para magshort time. Pero, teka, ito talaga ang pakay ko, ang mga lumang sinehan sa Metro Manila. Taong 2005, balak ko na itong iparating sa dati kong boss na Kongresista, ang patuloy na pamamayagpag ng mga lumang sinehan sa Maynila. Subalit, may tila tinik sa aking lalamunan na nakabara. Tila, wala akong boses sa tuwing ako ay maghahanda sa aking mga sasabihin. Tila, nakagapos ang aking mga kamay para isulat ang mga hakbang na dapat kong irekomenda para masulosyunan na ito. Alam ko, ikaw ay pamilyar ukol sa mga lumang sinehan sa buong Kamaynilaan. Sa unang pasok ko sa ganitong sinehan, ako ay tuwang tuwa. ...

Rainbow Blog of the Week

The search is on for the most anticipated competition in the world of blogging parrots. Presenting..... Rainbow Blog of the Week Mechanics. Nomination 1. All members/supporters/visitors are welcome to submit their nominations on the comment page of "Rainbow Blog of the Week". 2. All submitted links or nominations are subject for verification and authenticity. 3. Only the fist five nominees will be accepted every week. 4. The lists are then consolidated and submitted to the screening commitee. 5. All blogs that are previously nominated can be nominated again, except the blogs who won the Rainbow Blog of the Week for three (3) times. Voting 1. Everyone can vote on a daily basis. 2. The poll result shall constitute 40% of the total score. Criteria for judging Aside from the number of votes garnered from the poll, nominees are also given additional points by the judges based on the following criteria. There shall be three (3) to five (5) judges and the average of their scores for...

Discrimination (Again) at Aruba Bar: BB Gandanghari Refused Entry

Aruba Bar in Metrowalk has done it again. This bar, which reeks of discrimination, has continually refused entry to transgenders via a sign at the entrance: No Cross-Dressing. BB Gandanghari went to Aruba Bar & Restaurant because she wanted to watch her friend Rannie Raymundo’s show. But she and her friends were denied entry because they were cross-dressing. A similar incident happened not so long ago - at the same bar, to a different person: Inday Garutay. Continue Reading