Gusto ko lang i-share ang naging karanasan ko sa Lovapalooza na ito.
Noong Friday, nabigyan ako at ng partner ko ng libreng ticket sa Lovapalooza ng isang taga-kumpanya ng San Miguel Beer. Hindi ko naman hiningi ngunit gusto ko din pumunta dahil tutugtog ang isa sa mga paborito kong banda na Pupil. Wala talaga kaming balak pumunta doon dahil inaasahan namin na magiging marami ang tao ngunit dahil nabigyan na kami ng VIP ticket eh sayang naman kaya ginamit na rin namin. Wala naman talaga kaming balak din mag-date o makisabay sa mga magsing-irog na nagdiriwang nito.
Sabado, araw ng mga puso. Dumating kami ng SM Mall of Asia ng mga 7:30 pm, Bamboo na ang tumutugtog. Pumasok kami sa entrance at hindi na kinailangan na magrehistro (kung couple o single) dahil may tickets na kami. Dahil sa couple naman talaga kami ng aking partner eh sa couples entrance kami nagbalak pumasok. Sa kasamaang palad eh ayaw kami papasukin ng lady guard kasi hindi daw kami couple. Sinabi ko sa kanya na ang kasama ko ay ang partner ko at may relasyon kami. Sinabi niya na babae lamang at lalake daw ang pwede. Nang tinanong ko naman kung bakit eh wala naamang sinabi at tinitigan lang ako. Sa unang reaksyon ay nagalit ako dahil lantarang pag-discriminate sa aming lesbian relationship. Kaya pumasok kami sa singles area. Nakahati kasi ang mga couples at singles sa VIP. Ang mga masasarap na food booths ay naroon sa couples area samantalang sa singles area ay Mcdo lamang. Dahil hindi pa kami kumakain ng hapunan eh balak sana namin na kumain ng hindi Mcdo lamang. May lagusan sa gitna para makadaan papunta sa couples area pero ang pinapayagan lamang nila na lumabas pasok duon ay ang mga heterosexual na couples. Kung parehong kasarian, ang isa lamang ang pwedeng pumasok duon at bawal sumama ang partner. Pansin na pansin na ang mga relasyong may kaparehong kasarian ay nasa singles area at puro mga heterosexual lamang ang nasa couples area.
Noon pa man ay hindi ko na gusto ang ganitong kalakarin ng Lovapalooza dahil alam ko ngang may ganito. Iba pala pag ikaw na ang nasa sitwasyong ganoon. Dahil sa binigyan lang kami ng ticket kaya kami naroon at hindi dahil sa gusto naming maghalikan para sumama sa world record. Sa inis namin ay kumain na lang kami sa disenteng lugar tulad ng UCC na sa ikalawang palapag. Kita parin naman ang stage, may video wall pa doon na kitang-kita ang mga tumutugtog, maluwag na ang lugar at saka hindi nang-aalipusta ng kapwa.

Comments
personal experiences of discrimination like this should be brought out in the open.
cheers!
red
I hope the Lovapalooza policy against LGBT couples will change in the future. Maybe with your story we can start a signature campaign of protest and send it to the organizers of the event.
Otherwise, let's hold our own Lovapalooza at tapatan natin ang event nila. Let's show them we really have the numbers when in comes to love. (I HOPE!) :)
Hope you and your partner will turn this experience into an opportunity for change. ;)
or sa mismong pride march gawin?
la lang
pantapat lang
or sa mismong pride march gawin?
la lang
pantapat lang
wahaha homopalooza talaga eh. close up pa naman toothpaste ko. lol.
that's all. hahaha
rockerfem, i think i know u from tpc.
laos na yang lovapalooza. para lang yan sa mga PDA. di na natin makukuha ang kissing record,nasa mexico na.
magpalit ka na kasi ng toothpaste; HAPPY! oh kaya BEAM!
o kaya ang sponsor natin pdeng hindi toothpaste, gawin nating mouthn wash. Listerine. hahahha
bagay siguro kung happy ang sponsor tapos ang tagline eh "it's nice to be happy and gay!" ayon. choz lng.
@mel beckham,
question, what's tpc? hehe. :)
what dya think, mga sista?