Sa Amerika, nauso ang katagang "gay for pay" kung saan ang isang straight na porn actor ay makikipagtalik sa kapwa lalake kapalit ang mataas na talent fee. Ika nga ng isang gay for pay actor, para lang kumita siya sa straight porn nang katumbas ng isang sex scene sa kapwa lalake, kakailanganin niyang makipagtalik sa 20 babae. Sasabihin ng iba, "Dude, ano'ng masama sa pakikipagsex sa 20 babae?" Pero kamusta naman ang mas mataas na risk na makakuha ng sexually transmitted infections, hindi ba?
Matindi ang debate sa isyung ito, pero iba ang kaso sa Pilipinas. Dahil hindi ang mga lalake ang willing magpakabakla para kumita nang malaki, kundi ang mga bakla mismo ang mag-aastang straight para lamang makakuha ng mas mataas na trabaho o mataas na suweldo. Play straight for pay, ika nga ni Tita Mandaya Moore.
Naalala ko tuloy noong nasa kolehiyo ako. Isang bading sa aming unibersidad ang lumikha ng ingay sa media noong dekada 90 sa pagsampa niya ng demanda laban sa isang eksklusibong club sa Ortigas. Itinanggi siyang papasukin sa loob ng establisimiyento dahil nakasuot-pambabae siya.
Madalas siyang tumambay noon sa parlor ni Mama Tanya sa likod ng UST, mahaba ang kanyang buhok, makinis ang balat, ang uniporme'y panlalake ngunit minodipika upang magmukhang pambabae. Hindi man umusad ang kaso't sa kalauna'y nagsara ang club, tiningalaan siya ng mga kapwa bakla sa pakikipaglaban niya para sa karapatang pambakla.
Ngunit ilang buwan ang lumipas mula nang magtapos siya sa kursong Sosyolohiya, napagawi muli ako sa tambayang parlo at naroon muli siya. Sa pagkakataong ito, nkabihis lalake na siya. Ang mahabang buhok ay iginupit upang maging flat top, nakapolong mahaba ang manggas at pantalong itim. Ang kanyang balat ay bumabakbak, nangangahulugang itinigil na rin niya ang pag-inom ng gamot upang maging ganap na babae siya.
Naawa ako sa kanya. Kinailangan niyang iwan ang kanyang anyong babae para lamang kapantay ang mga katrabaho at maging angat pagdating sa pagkakaroon ng mataas na posisyon sa trabaho. Itinawag ko itong pagkukunwaring maging straight, gaya ng kung paano magkunwaring bakla ang mga aktor sa pornograpiya.
Hindi ko na alam kung ano na ang nangyari sa kanya magmula noon. Ako naman ay nakapagtapos at naghanap ng trabaho. Minsan, umaplika ako sa isang online company sa Ortigas at itinanong nila kung mayroon akong blog. Sa puntong iyon, nag-alinlangan akong ibigay ang aking blog na umaapaw sa kabaklaan. Natakot ako na baka kapag nalaman nila ang aking pagiging bakla ay hindi ako matanggap sa trabaho. Sa kabilang banda, gusto ko namang ipakita ang aking perisiya at abilidad sa pagba-blog. Inisip ko kung ibigay ko na lang ang aking di-aktibong blog na hindi kasing landi.
Sa kalaunan, ibinigay ko ang aking tunay na blog. "You have a pretty loud blog," sabi ng hiring officer.
Wala akong narinig mula sa kanila magmula noon.

Comments
@ sassyqarla - Salamat, kapatid!
nice post dear
buti na lang one year nko sa work nun when i started blogging. Ãœ