Siya si Val Mante, dating secretary general ng Bagong Alyansang Makabayan.
Bakla. Lagi ko syang nakikita sa mga "theater tours" namin noon.
Noong mga huling taon ng 1990s, bigla syang naglaho sa city. Umakyat pala ng bundok. Sumapi sa New People's Army.
Minsan, nagte-text sya sa akin, naglalambing ng kung ano-ano. Humingi ng three-in-one coffee. Minsan naman, whitening lotion. Noong huli, humingi ng payong. Binalak kong magpadala ng payong na may "Hello Kitty" design. Di ko nagawa.
Isang kaibigan din ang nagdadala ng printouts ng old "Mandaya Moore" posts ko. Pinapasa-pasa ito ng mga bading sa kilusan (kaya nga sila lang ang pag-asa ko para makakuha ng kopya ng old posts ko).
Si Val ay tunay na rebolusyonaryo. Naghasik sya ng sariling rebolusyon sa loob ng rebolusyonaryong kilusan. Ipinangalandakan ang kanyang kabaklaan.
Si Val at ang kanyang partner ang mga salarin sa unang gay marriage sa Communist Party of the Philippines. Sila yung na-front page sa Inquirer. Eto.
Noong September 22, namatay si Val. Hindi sa bala. Hindi sa labanan. Tinamaan sya ng sakit na leptospirosis. Bumigay ang kanyang kidney.
Patay na si Val.
Mabuhay si Val.

Comments
sya ang magsisilbing lpg sa aking kakarag-karag na dyipni.
struggle continues. love you val.
thanks mmo.
i felt sorry though for val...
:(
wala naman akong masabi dun!
o well
taray! sana ako din eventually makafind..
wag nmn npa!
Anyway, I tried searching for cached pages of your old blog. Sadly, wala akong mahanap.
Kahit sabihin pa ng militar na walang diyos na sinasamba ang mga katulad ni Val, I believe na ang Diyos ay walang pinipiling nilalang para mahalin at tanggapin sa langit.