Skip to main content

Lagi na lang si Val

Siya si Val Mante, dating secretary general ng Bagong Alyansang Makabayan.

Bakla. Lagi ko syang nakikita sa mga "theater tours" namin noon.

Noong mga huling taon ng 1990s, bigla syang naglaho sa city. Umakyat pala ng bundok. Sumapi sa New People's Army.

Minsan, nagte-text sya sa akin, naglalambing ng kung ano-ano. Humingi ng three-in-one coffee. Minsan naman, whitening lotion. Noong huli, humingi ng payong. Binalak kong magpadala ng payong na may "Hello Kitty" design. Di ko nagawa.

Isang kaibigan din ang nagdadala ng printouts ng old "Mandaya Moore" posts ko. Pinapasa-pasa ito ng mga bading sa kilusan (kaya nga sila lang ang pag-asa ko para makakuha ng kopya ng old posts ko).

Si Val ay tunay na rebolusyonaryo. Naghasik sya ng sariling rebolusyon sa loob ng rebolusyonaryong kilusan. Ipinangalandakan ang kanyang kabaklaan.

Si Val at ang kanyang partner ang mga salarin sa unang gay marriage sa Communist Party of the Philippines. Sila yung na-front page sa Inquirer. Eto.

Noong September 22, namatay si Val. Hindi sa bala. Hindi sa labanan. Tinamaan sya ng sakit na leptospirosis. Bumigay ang kanyang kidney.

Patay na si Val.

Mabuhay si Val.

Comments

Kiks said…
ambengga. yet so sad.

sya ang magsisilbing lpg sa aking kakarag-karag na dyipni.

struggle continues. love you val.

thanks mmo.
Geisha said…
hayyy.. ive read the whole article and felt happy about it. buti pa ang kilusan pinapayagan ang same sex marriage.. dito sa patag ang hirap...

i felt sorry though for val...

:(
mrs.j said…
wow!

wala naman akong masabi dun!

o well

taray! sana ako din eventually makafind..

wag nmn npa!
Anonymous said…
Naku, hopefully may makahalungkat ng Christmas 2006 posts mo. Those are classics talaga!

Anyway, I tried searching for cached pages of your old blog. Sadly, wala akong mahanap.

Kahit sabihin pa ng militar na walang diyos na sinasamba ang mga katulad ni Val, I believe na ang Diyos ay walang pinipiling nilalang para mahalin at tanggapin sa langit.
jericho said…
clap! clap! taas-kamao, saludo.

Popular posts from this blog

Mga parausang lumang sinehan

NAG DESISYON na ang Korte Suprema na labag sa Konstitusyon ang ordinansa na nagbabawal ng short time sa mga motel sa siyudad ng Maynila.

Wala na ring balak pa umanong maghain ng apela si mayor Alfredo Lim sa naturang desisyon.

Nagbabala naman si Lim na handa niyang ipasara ang anumang motel sa lungsod ng Maynila sakaling may makita sila na pinapayagan na magpapasok ng mga estudyante para magshort time.
Pero, teka, ito talaga ang pakay ko, ang mga lumang sinehan sa Metro Manila.

Taong 2005, balak ko na itong iparating sa dati kong boss na Kongresista, ang patuloy na pamamayagpag ng mga lumang sinehan sa Maynila. Subalit, may tila tinik sa aking lalamunan na nakabara. Tila, wala akong boses sa tuwing ako ay maghahanda sa aking mga sasabihin. Tila, nakagapos ang aking mga kamay para isulat ang mga hakbang na dapat kong irekomenda para masulosyunan na ito.

Alam ko, ikaw ay pamilyar ukol sa mga lumang sinehan sa buong Kamaynilaan.

Sa unang pasok ko sa ganitong sinehan, ako ay tuwang tuwa. Napan…

PILIPINAS, TUNAY NGA BANG MALAYA NA?

NGAYON ANG IKA 111st NA ANIBERSARYO NG ARAW NG KALAYAAN NG PILIPINAS. Ngunit, sa paglipas ng isang daan at labing isang taon, tunay nga ba tayong malaya na?

May mga pagkakataong gusto kong isipin na hindi na tayo nakagapos sa mga bansang banyaga dahil nagkaroon na tayo ng kalayaan sa pamamalakad ng gobyerno. Ngunit, ano ang kalagayan ng mga Pilipino ngayon? Mayroon na nga ba siyang dangal na matatawag? Taas noo na nga ba ang bawat Pilipino kahit kanino?

Sa mga nakalipas na araw, samu’t saring problema ang dinaranas ng ating bansa. Mga problemang lalong nagpapalugmok ng bawat mamamayan. Mga problemang animo’y walang katapusan. Paano babangon ang isang Juan dela Cruz kung mismong mga namumuno sa ating bayan ang nagbabangayan? Paano tayo makakalaya kong mismong mga halal ng bayan ang siyang nanguna upang itali ang bawat mahihirap na pinoy sa kanilang pamamahala?Paano na ang walang tigil na pagbulusok ng presyo ng mga pangunahing bilihin? Ang walang humpay na pagtaas ng gasolina. Paano pa m…

Ang Kondisyon ng HIV at AIDS sa Pilipinas

Akda ni Marlon Lacsamana

Taong 1984 ng sa kauna-unahang pagkakataon ay mayroong naitala na Pilipino sa Philippine’s National AIDS Registry ng Department of Health (DOH). Mula noon, umaabot na sa 3,589 ang nakalista na may HIV hanggang Disyembre ng 2008. Sa bawat taon, patuloy ang pagtaas ng bilang ng mga taong nabubuhay na may HIV sa bansa. Kapansin-pansin din ang bilis ng pagdami ng mga kasong naitala sa kasalukuyang dekada kumpara noong dekada ’80s at ’90s. Mula 1984 hangang 1989 ay may kulang-kulang sa 50. Sa taong 1990 hangang 1992 mahigit 50 pero kulang sa 100 ang mga kaso sa loob ng taon. Sa taong 1993 hangang 2004, humihigit na sa 100 ang kaso. Sa taong 2006 mahigit 300 ang naitala. At sa 2008 mahigit 500. (NEC, 2008).

Tanggap na ngayon sa bansa na ang HIV ay hidden and growing. Ito ay isang pagtingin na mula na rin sa UNAIDS. Ang pagsusuring ito ay bag na sa dating paniniwala na mula lamang sa mga mosk at risk population (MARPs) – persons in prostitutions and their clients, male…