Paano nasusukat ang pagka-lalaki?

Ayon sa Hay! Men! Ang blog ng mga tunay na lalake! Ito ang batayan ng pagkalalake:

1. Ang tunay na lalake ay di natutulog.
2. Ang tunay na lalake ay di nagte-text-back, maliban na lang kung papasahan ng load. Gayunpaman, laging malabo ang kanyang mga sagot.
3. Ang tunay na lalake ay laging may extra rice.
4. Ang tunay na lalake ay hindi vegetarian.
5. Ang tunay na lalake ay walang abs.
6. Ang tunay na lalake ay hindi sumasayaw.
7. Ang tunay na lalake ay umaamin ng pagkakamali sa kapwa tunay na lalake.
8. Ang tunay na lalake ay laging may tae sa brief.
9. Ang tunay na lalake ay di naghuhugas ng pinagkainan o nagliligpit ng kanyang mga gamit dahil may babaeng gagawa noon para sa kanya. Mas lalong nagiging tunay ang pagkalalake kung di niya kilala o di niya maalala ang pangalan ng babae.
10. Ang tunay na lalake ay di nagsisimba.

from here

Hindi ko mapigilan ang sarili ko sa paggulong sa sahig kakatawa. Ang mga baklang bumubuo ng blog na ito ay talaga namang may kakaibang sense of humor na sa kabila ng pagiging crass ay sobrang entertaining (as long as we do not take anything they say seriously)!

Kinikilatis nila ang kung sinu-sinong mga katauhan, buhay man o kathang isip lamang, at sinusuri nila ang pagkalalaki nila base sa kanilang manipesto...

Mula kay Andok (ang mascot ng Andok's Manok, na ayon sa blg ay di tunay na lalaki dahil ang tunay na lalaki ay may itlog) hanggang kay Pope John Paul at kay Lolit Solis. Walang tao, bagay, hayop na ligtas sa mapanuring mata ng mga taong ito.


Ayon sa mga writers ng blog na ito, pinapangarap ng lahat ng tunay na lalake ang maging tulad ni Homer Simpson

They took machismo and chauvenism to the extreme and made it absurd to the point of hilarity.


At ayon din sa blog na ito, si Tim Yap ay, hands down, hindi tunay na lalaki dahil sa "kung anu-anong shit"

Ikalulugod ko ng husto ang mabanggit sa blog na ito at matawag na: "siya ang katauhan ng di pagiging tunay na lalaki." Masuwerte si Tim Yap. hahahaha!

All in good fun, guys

PS: di po ako miyembro ng staff ng blog na ito.

8 comments:

balotboi said...

Hmmmm......

almost tunay na lalaki na sana ako, na sablay lang sa #10.. jajajaja!

as if...

line of flight said...

that blog site is very funny. "Tunay na lalake si X, oo o hindi?"

Elyong said...

hahaha...sablay ako sa no 8

Ming Meows said...

therefore, ang tunay na lalake ay batugan!

kokoi said...

"8. Ang tunay na lalake ay laging may tae sa brief."

tulong! di ko to magets! literal ba to?

Oliver said...

mga bakla, anu ba! hindi siya siniseryoso.

the blog's just taking off from the cultural chauvinism and machismo, ginawang exagge ang stereotyping ng pagkalalake at ginawa nilang ridiculous at katawa-tawa.

anuba!

JOHN said...

ganun ba iyon..nakakadiri naman ung my tae sa brief..eeewww..it's so absurd..wat if health care preofessional ka? di ka ba excluded? hay naku..hehe


visit nyo.. www.gayinthephilippines.com

JC.TSU said...

Asus.. Puro ata mga cavemen ang mga tunay na lalake eh.. Too bad naextinct na sila na halos kasabay ng mga dinosaur.. ^_^

Powered by Blogger.