Skip to main content

Ang Kondisyon ng HIV at AIDS sa Pilipinas

Akda ni Marlon Lacsamana

Taong 1984 ng sa kauna-unahang pagkakataon ay mayroong naitala na Pilipino sa Philippine’s National AIDS Registry ng Department of Health (DOH). Mula noon, umaabot na sa 3,589 ang nakalista na may HIV hanggang Disyembre ng 2008. Sa bawat taon, patuloy ang pagtaas ng bilang ng mga taong nabubuhay na may HIV sa bansa. Kapansin-pansin din ang bilis ng pagdami ng mga kasong naitala sa kasalukuyang dekada kumpara noong dekada ’80s at ’90s. Mula 1984 hangang 1989 ay may kulang-kulang sa 50. Sa taong 1990 hangang 1992 mahigit 50 pero kulang sa 100 ang mga kaso sa loob ng taon. Sa taong 1993 hangang 2004, humihigit na sa 100 ang kaso. Sa taong 2006 mahigit 300 ang naitala. At sa 2008 mahigit 500. (NEC, 2008).

Tanggap na ngayon sa bansa na ang HIV ay hidden and growing. Ito ay isang pagtingin na mula na rin sa UNAIDS. Ang pagsusuring ito ay bag na sa dating paniniwala na mula lamang sa mga mosk at risk population (MARPs) – persons in prostitutions and their clients, male having sex with males, at injecting drug uses.--ang siyang pangunahing nakakakuha ng virus.
Batay sa panayam sa mga taong nabubuhay na may HIV, tumataas na rin ang bilang ng mga kasi mula sa hanay ng mga estudyante, ordinaryong mga maybahay, propesyonal, at mga call center agents.

Ano Ang HIV at AIDS

Ang HIV ay nangangahulugang human immunodificiency virus. Ang HIV ay isang uri ng retrovirus na naninira ng human immune system lalong-lalo na ng mga CD4 + T cells na batayang bahagi ng cellular immune system (Joint United Nations Programme on HIV and AIDS, 2007).

Ang AIDS naman ay nangangahulugang acquired immune deficiency syndrome, at ito ay naglalarawan ng kondisyon ng tao na may HIV. Kadalasan ang taong may AIDS ay kinakikitaan na ng iba’t ibang sakit o mga opportunistic infections (Joint United Nations Programme on HIV and AIDS, 2007).

Epekto ng HIV at AIDS sa Pamilyang Pilipino.

Humigit kumulang sa ikatlo ng lahat ng naitala na may HIV ay mga migranteng Pilipino na nagtatrabaho sa ibayong dagat. Kinikilala ng DOH at ng UNAIDS na ang mga kaso ng migranteng Pilipino ay malaki, subalit hindi pa rin iyon sapat upang sabihin na may epidemya na sa hanay nila, sapagkat sa ang mga bansa na tumatanggap sa kanila ang kadalasang humihingi ng mandatory AIDS test. Sa madaling salita, tila malaki ang bilang ng mga migranteng may HIV dahil sila lamang ang regular na nagpapa-test dahil ito ang kailangan bago sila makalisan ng bansa (NEC, 2008; AMTP IV, 2005; Redefining AIDS in Asia, 2008).
Ang ilang mga ahensya ng pamahalaan—lalo na ang mga nasa ilalim ng Department of Labor and Employment (DOLE) kasama ng ilang non-government organizations (NGOs)—ay nagsusulong na ng mga programang pang-edukasyon na maaring pumigil sa patuloy na pagkalat ng HIV. Ang pagtuturo tungkol sa HIV ay isinasama na rin sa parehong Pre-Employment Orientation Seminars (PEOS) at Pre-Departure Orientation Seminar (PDOS) para sa mga migrante (Achieve, 2005).

Ang epekto ng HIV sa ekonomiya ay di na matatawaran, batay sa pag-aaral ng mga pandaigdigang organisasyon tulad ng AusAID (2001). Nakasaad doon na maaari nitong baligtarin ang paglaki ng ekonomiya ng mga dalawang porsyento, at sa ibang bansa naman ay maaring umabot ng 40%.
Ang pinaka-kagyat na epekto ng HIV sa Pilipinas ay makikita sa ekonomiya ng pamilya. Ang kalakhan kasi ng nagkakaroon ng sakit na ito ay nasa 15-40 (NEC, 2008) o ang edad na pinaka-produktibo ang isang tao. At ang pagkakaroon nila ng HIV ay nagdudulot di lamang sa indibidwal na may HIV ng dagdag pasakit kundi sa buong pamilya. Sinusugan pa ang pag-aaral na ito ng UNICEF: lumabas sa publikasyon nitong State of the Filipino Children Report 2005 na batay sa kanilang pag-aaral, kung ang magulang ay nagkakasakit o namamatay dahil sa HIV at AIDS, karamihan sa kanilang mga anak ay naghahanap ng trabaho upang matulungan ang kanilang mga magulang at sarili.

Hadlang sa Pagsulong ng Edukasyon Laban sa HIV at AIDS

Marami sa nagsusulong ng edukasyon para sa HIV ang nadismaya sa naging pahayag ni Pope Benedict XVI patungkol sa paggamit ng condom: pinahayag niya na hindi masasagot ng condom ang epidemya, manapa’y lalo lamang itong makasisira sa pamilya (San Francisco Sentinel, 2009).
Sa pahayag ni Rev. Fr. Martin Rhonheimer ng grupong Opus Dei , sinabi niya na maaari lamang gamitin ang condom ng isang lalaki na lumabas na HIV + upang hindi niya mahawa ang kanyang asawa. At patuloy pa rin nilang isusulong na ang paggamit na kahit na anong uri ng kontrasepsyon ay masama at di kailanman makakabuti sa kaninoman (Joint United Nations Programme on HIV and AIDS, 2007).

Mga Aral

Batay sa pag-aaral ng Commission on AIDS in Asia (2008)—kung saan kabahagi dito si Rep. Nerissa-Soon Ruiz ng Cebu—iilang mga pamahalaan lamang, kasama na ang Pilipinas, ang hindi nagbibigay ng priority sa HIV, 1) kahit pa kalakhan ng mga nagkaroon ng HIV ay namayapa na; 2) kahit na ang usapin ng pagpigil sa pamamagitan ng edukasyon ay hindi pa lubos na nagagamit; 3) kahit na ang pagsama sa komunidad ay hindi pa puspusang nagagamit

Kung susumahin ang mga rekomendasyon ng komisyon, maaaring sabihin na hindi pa ganap na nakikita ng mga pamahalaan ang kahalagahan ng pagsugpo sa AIDS, at ilang mga programa ng mga pamahalaan tulad ng sa Pilipinas ay bumabaybay sa tokenismo lamang.

Mga Rekomendasyon

Upang maging matagumpay ang pagkamit ng tuluyan na pagkawala ng HIV sa mundo, kinakailangan ang masigasig na pagkilos laban sa sakit. Nangangahulugan lamang na ang pampulitikang katatagan ng mga pamahalaan ay kailangan. Maaring magsilbing aral ang pinagdaanan ni Tsina matapos nitong maipagtagumpayan ang kanyang rebolusyon bayan.

Kinakailanagn balikan ang aral ng linyang masa ni Mao Tse Tung na ”mula sa masa, para sa masa,” at ang ”ang masa ang siyang tunay na bayani at tagapaglikha ng kasaysayan.” Ang mga aral kung paano masugpo ang HIV at AIDS at kailangan bumaba sa hanay ng pangkalahatang puopulasyon o sa masa, at batay sa mga konkretong paraan ang magpapasya kung paano nila gagampanan ang pagsugpo sa nasabing sakit.

Sa Tsina, matapos ang tagumpay ng rebolusyon noong 1949, isinulong nito ang pagmobilisa ng masa laban sa mga sakit. Ang mga programang pangkalusugan ay malinaw na ibinaba sa masa upang sila ang magpasya ng kung ano ang dapat gawin sa mga sakit at/o epidemya na makaka-aapekto sa taong bayan (Sidel, Victor W & Ruth Sidel, 1983).

Ang edukasyong masa patungkol sa sakit ay kinakailangang umabot sa pinakamababa; hayaan dapat silang magpasya kung ano ang kailangang gawin, upang sa gayon ay maisulong mula sa ibaba ang mga karampatang gagawin upang hindi na kumalat ang sakit.

Mga Batis

Achieve (2005). Health At Stake: Access To Health Of Overseas Filipino Workers (OFWs). retrieved on 23 March 2009 from http://www.achieve.org.ph/

Australian Government’s Overseas Aid Program. (2001). The Potential Impact of AIDS in Asia and the Pacific: Asia-Pacific Ministerial Meeting. Melbourne: AusAID.

Joint United Nations Programme on HIV and AIDS. (2006). 2006 Report on the Global AIDS Epidemic. Geneva, Switzerland: UNAIDS.

National Epidemiology Center. (December, 2008). Philippines HIV & AIDS Registry. Manila: DOH.

PNAC (2004). 4th AIDS Medium term Plan 2005-2010 & Operational Plan 2007-2008. Manila: PNAC.

Redefining AIDS in Asia: Report of the Commission on AIDS in Asia (2008).India: Oxford University Press.

San Francisco Sentinel (2009). Pope’s Attack on Condoms Sickens AIDS Activist retrieved on 23 March 2009 from http://www.sanfranciscosentinel.com/?p=20346

Sidel, Victor W. & Ruth Sidel. (1983). A Healthy State: an International Perspective on the Crisis in United States Medical Care. New York: Pantheon Books.

Joint United Nations Programme on HIV and AIDS (2007). Training Manual on HIV & AIDS for Catholic Church Pastoral Worker: Resource Book. Makati City: UNAIDS

UNICEF (2005). State of the Filipino Children Report 2005: Emerging Issues and concerns Confronting the Filipino Adolescent . Manila: UNICEF.

Comments

BUHAY BAYOT said…
Ang tangi nating panlaban dito ay ang pag iingat sa tuwing tayo ay tatampisaw sa kaligayahan!

Popular posts from this blog

Mga parausang lumang sinehan

NAG DESISYON na ang Korte Suprema na labag sa Konstitusyon ang ordinansa na nagbabawal ng short time sa mga motel sa siyudad ng Maynila. Wala na ring balak pa umanong maghain ng apela si mayor Alfredo Lim sa naturang desisyon. Nagbabala naman si Lim na handa niyang ipasara ang anumang motel sa lungsod ng Maynila sakaling may makita sila na pinapayagan na magpapasok ng mga estudyante para magshort time. Pero, teka, ito talaga ang pakay ko, ang mga lumang sinehan sa Metro Manila. Taong 2005, balak ko na itong iparating sa dati kong boss na Kongresista, ang patuloy na pamamayagpag ng mga lumang sinehan sa Maynila. Subalit, may tila tinik sa aking lalamunan na nakabara. Tila, wala akong boses sa tuwing ako ay maghahanda sa aking mga sasabihin. Tila, nakagapos ang aking mga kamay para isulat ang mga hakbang na dapat kong irekomenda para masulosyunan na ito. Alam ko, ikaw ay pamilyar ukol sa mga lumang sinehan sa buong Kamaynilaan. Sa unang pasok ko sa ganitong sinehan, ako ay tuwang tuwa. ...

Rainbow Blog of the Week

The search is on for the most anticipated competition in the world of blogging parrots. Presenting..... Rainbow Blog of the Week Mechanics. Nomination 1. All members/supporters/visitors are welcome to submit their nominations on the comment page of "Rainbow Blog of the Week". 2. All submitted links or nominations are subject for verification and authenticity. 3. Only the fist five nominees will be accepted every week. 4. The lists are then consolidated and submitted to the screening commitee. 5. All blogs that are previously nominated can be nominated again, except the blogs who won the Rainbow Blog of the Week for three (3) times. Voting 1. Everyone can vote on a daily basis. 2. The poll result shall constitute 40% of the total score. Criteria for judging Aside from the number of votes garnered from the poll, nominees are also given additional points by the judges based on the following criteria. There shall be three (3) to five (5) judges and the average of their scores for...

Discrimination (Again) at Aruba Bar: BB Gandanghari Refused Entry

Aruba Bar in Metrowalk has done it again. This bar, which reeks of discrimination, has continually refused entry to transgenders via a sign at the entrance: No Cross-Dressing. BB Gandanghari went to Aruba Bar & Restaurant because she wanted to watch her friend Rannie Raymundo’s show. But she and her friends were denied entry because they were cross-dressing. A similar incident happened not so long ago - at the same bar, to a different person: Inday Garutay. Continue Reading