Kanina habang nakasakay ako sa taxi pauwi, ang pinakikinggang istasyon ni manong taxi driver ay ang Wild Confessions na show ni Papa Jack. Ayaw ko mang pakinggan pero wala naman akong choice kasi ito ang kinaliligaya ni manong at saka wala na rin akong ganang magdemand pa kaya keri lang.
Ang babaeng kausap ni Papa Jack eh nagkukuwento ng kanyang "wild confession" on air. Kahapon lang daw nangyari ito at parang nag-chorvahan sila ng kanyang ex ulit na by the way eh nagbreak lang sila nuong March 10 daw. Inamin ni Rose na ito na tomboy ang kanyang tinutukoy na jowa. Sa una ay natuwa naman ako dahil hindi siya nahiya na aminin na may karelasyon siyang babae.
Ifa-fast forward ko na dahil hindi niyo naman kailangan na malaman ang kuwento ng chorvahan nila, tinanong ni Papa Jack kung tomboy itong si Rose. Sabi ni Rose "Anu ka ba eh ang landi-landi ko no". Pumanting ang tenga ko sa sinabi niyang ito dahil parang nagbibigay siya ng impresyon na butch lang ang tomboy. Heller, may mga femme o pa-girl na sagad hanggang buto ang pagiging tomboy.
Ito ang kinasasakit ng ulo ko na tomboy lang ang mga boyish. Naging stereotype na ito at tila ang mga butch lang ang konstant na tomboy habang ang mga girlfriend ng mga tomboy ay may pag-asa pang "magbago" at tila pinilit lang ng situasyon kaya nakipag-relasyon sa butch. Ganito din ang iniisip ng nanay ko sa akin (at marahil pati mga tao sa paligid ko) na hindi ako tomboy kasi pa-girl daw ako. Maraming mga tao na bagong kilala lang ang ako ang hindi makapaniwalang tomboy ako. Kasi hindi daw ako parang lalaki manamit. Kikay daw at maarte (paminsan :) ). Kahit na ulit-ulitin kong sabihin sa kanila na hindi lang ang mga butch ang hardcore lesbians, pati mga femme eh may may hardcore din. Hindi naman sa nagsasalita ako ng tapos na maaari siguro akong magbago ng sexual orientation o preference. Maaaring bukas ay iba na ang gusto ko. Naniniwala kasi akong fluid ang sexualidad pero sa ngayon eh b*lat talaga ang gusto ko.
Kailangan ng baguhin ang ganitong stereotype na butch lang ang mga tomboy. Meron ding mga femme na tunay na tomboy din.

Comments
But then again, we kind of need these labels for academic purposes.
ang sakit sa ulo @_@
however, we really can't blame the "butch-looking" people if thats the way they want to dress. All we can hope is to educate the people around us.
tama, problematic din nga ang labelling ng butch and femme. syempre kelangan ng pag-label para lang magkaron ng identification.