Habang nagpapalaboy-laboy sa blogworld, isang piktyur ng lalake, siguro mga edad trenta o sobra pa, ang kumuha ng atensyon ko. Maskulado ang pangangatawan niya na suot lang boxer shorts. Sa ilalim ng piktyur na yon ay nakalagay ang, " I'm hot and expert!".
Habang sinusulat ko ang part na to, nagsimula namang tumugtog sa celfone ko ang Careless Whisper ni George Michael. Kaloka. Pang gaybar ang drama. Napatigil tuloy ako sa pagsusulat at nagmunimuni muna. Hay! Kawawa naman ang mga single na katulad ko.
Siguro mga dalawang minuto lang, natauhan din si Maganda. Ipagpapatuloy ko na sana ang sinusulat ko ngunit bigla namang umarangkada si kuya Gary V sa kanyang Take Me Out of the Dark. Ano ba? Wrong tayming naman yon. Inistap ko muna at itinuloy ko na ang naudlot kong paggawa ng madamdaming nobela.
Charing daw sabi nila. Pero in fairness, maganda ang Pooh at Pokwang tandem! Tse!
Saan na nga ba tayo? Nananaginip ka naman bading. Bumalik ka muna sa katinuan mo.
Oo, ayon nga. Hot daw sya at eksperto pa. Sosyal naman niya. Eksperto sa ano?
Sa sobra kasing ka-eksayted ko na makita ang iba pang piktyur niya eh hindi ko na binasa ang makling profile niya. Ikaw kasi bading, pagdating sa lalake, wala ka ng pakialam sa mundo.
Sa pagmamasahe daw. Masseur pala siya. Sa madaling salita, masahista. Masahista na magaling at mahusay magpaligaya at magpukaw sa mga natutulog na laman ng isang bading na katulad ko, ikaw, sila, at tayong lahat(na lang). Wala naman sigurong nakasaad sa konstitusyon ng Pilipinas na bawal yon.
At sa ilalim pala ng nakasulat na trabaho niya(na isang masahista), ay nakalagay dun ang celfone number niya. Pwede daw syang ikontak sa numerong yon kung gusto niyo ng isang *******. Basta magaling daw sya.
Kaya, labas agad ng telepono si Maganda at dalidaling kinopya ang numero ni Masahista. Save. Pasok.
Siyempre, hapi na naman si Maganda. Bihira lang to. Sabi pa nga nila, opportunity comes once in a lifetime.
Isang linggo ang lumipas, ititext ko na sana si Masahista, pero di ko mahagilap ang numero niya. Ginawa ko na ang lahat pero wala pa rin. Kaya minabuti kong isaisahin ang mahigit 600 na nakarehistro sa fonbuk ng telepono ko.
OMG. Andito ka lang pala. "Serbis" pala ang naka-save. Panget naman. Ano ka ba Maganda? Sobra mo namang ninaliit ang isang tao. Edit sa kontak name. Ok, sori na.
At sa madaling salita, tinext ko sya, "hi!".
Ay bongga, nagreply kaagad, "hu r u?".
Sabi ko naman, "I'm Maganda(joke lang. siyempre, pangalan ko nilagay ko), I'm gay!". Message sent.
Sosyal talaga siya. "san mo nkuha # q?"
Ako naman, "sa isang blog. i just 4got d adres. pwde ko b ulit mkuha ang adres ng blog m?". Drama si bading.
Reply niya, "4 hire me 1thou".
May pahabol pa.... ang adres ng blog niya.
"k, see ya f i hav tym", reply ko.
...hindi na sya nagreply. Ok. Fine.
OMG na naman dahil sa puntong ito ng aking pagsusulat ay naisipan ko ulit na i-on ang mp3 player ng telepono ko. Nag-resume ang Take Me Out... Next song... Sa Aking Pag-iisa ni Regine. Lab ko ang kantang to pero wrong tayming din. Ay naku! Deadma. Hinayaan ko na lang magtuloy-tuloy ang iba pang lab songs.
Kinabukasan. 6:00am.
Two messages received. Eksayted si Maganda dahil nagtext si Masahista, "gud am!".
"Gud am too!"... wala syang reply.
Binasa ko ang isang text galing kay Jr(ang crush kong lasenggero), "mownin! anong gimik natin mamaya? inom tayo!"
Balewala. Naligo ako at pumasok sa eskwela.
Magsusulat pa ako sa susunod kung anong kahahantungan namin ni Masahista. Wala na talagang gaganda pa kay Maganda. Kahit single pa yan. Kahit si Bebe Gandanghari walang panlaban.
Peace!

Comments