Sabi nila, pag ikaw ay tinamaan ng pana ni kupido ay kusang mag iiba na raw ang iyong mundo at ang iyong pagkatao.
Walang pinipiling kasarian ang digmaan ng pag ibig, isang bagay na walang dapat pagdebatehan pa. Mas lalong walang pinipiling lugar ang giyera ng puso.
Para sa akin, ang pwersa ng kapangyarihan ng pag ibig ay parang isang mahika. Para itong isang magnanakaw na biglaang dumarating sa iyong buhay. Ikaw ay magugulantang at ito ang magiging tulay tungo sa hardin ng pag ibig.Likas sa ating mga Pilipino ang madaling mahulog ang loob sa isang tao kahit isang beses o kahit hindi pa niya ito nakikita. Kaya, kahit rumaragasa na ang pandaigdigang problema ng ekonomiya, heto't ang pinoy patuloy ang pagiging romantiko.
Sa isinagawang survey ng Social Weather Station (SWS) lumalabas na karamihang pinoy ay naniniwala sa katagang 'first love never dies' at ang pagmamahal ay itinakda ng tamang tadhana. Marami rin ang naniniwala sa kasabihang ‘pag mahal mo ang isang tao, palayain mo siya at kung siya ay babalik sa’yo, kayo talaga ang para sa isat isa.
Kaya siguro ako ay nagparaya. Isunuko ko ang aking pusong tunay sanang nagmahal sa kanya. Aanhin ko ang kanyang pagmamahal kung hindi ko siya mahawakan?Ano pa ang saysay ng mga katagang ' i love you so much' at 'i miss you so much' kung hindi ko man lang maramdaman ang munting hanging lalabas sa kanyang bibig sa tuwing ito'y kanyang binibigkas.
Alam kong binabasa mo ito, mahal kita at mananatili akong magmamahal sa iyo habang buhay, pero, katulad ng isang kalapati, kailangang papalayain na kita para naman kahit kagyat lamang ay magkaroon ng ngiti sa aking mga labi. Tandaan mo lamang na bukas lagi ang hawlang iyong iiwananan dito sa aking puso.
Sana araw araw ay nasa puso nating lahat ang tunay na diwa ng pagmamahalan dahil ang pag ibig ay isang biyaya mula sa Itaas.
Ako ay malugod na bumabati bawat isa sa inyo ng isang Maligayang Araw ng mga Puso. Isang mahigpit na yakap ng pagmamahal, mga kapatid.

Comments
happy hearts to all.
basta i believe that the highest form of love is unconditional love.
Nagtanong si Junior kay Nanay.
JR: 'Nay, totoo po ba ang kasabihan na "first love never dies"?
NANAY: Totoo 'yan, JR. Tingnan mo 'yang tatay mo. First love ko 'yan. (Biglang nag-iba tono.) Pero kita mo, hanggang ngayon hindi pa mamatay-matay ang hayup!