Skip to main content

Diskriminasyon sa Mga Dalaw sa Kulungan

(Isang sulat mula sa aking kaibigan)
Mga Kasama:

Isang mapagpalang araw sa lahat.

Nais kong ibahagi at idulog sa mga kinauukulan ang isang kongkretong anyo ng diskriminasyon sa ating hanay na dinanas ko noong Biyernes, Pebrero 13 sa Camp Sampaguita sa Muntinlupa City.

Pang-apat na pagdalaw ko na sa aking katipan na nakapiit sa Medium Security Camp sa Muntinlupa City noong Biyernes. Una ay noong kaarawan niya noong Nobyembre 28, pangalawa noong Pasko at pangatlo noong Bagong Taon. Noong unang dalaw ko, nabasa ko sa mga patakaran ng kulungan na nakapaskil sa dingding ng tanggapan ng mga dalaw ang isang partikular na patakaran na bawal ang "effeminate visitors unless they are relatives of the inmates". Doon pa lang ay alam ko nang isa itong mapagdiskriminang patakaran. Wala namang naging aberya sa pagdalaw ko noon maski noong Pasko at Bagong Taon.

Nitong 7:30 am ng Pebrero 13 ay tinanong ako ng babaeng empleyado on duty sa overseer's office (na lagi ko nang nakikita roon at madalas ay siya ring nagbibigay sa akin ng "calling pass") kung "Gay ba kayo?" (kasama ko noon ang matalik kong kaibigang gay rin). Sa halip na sagutin siya nang diretso ay tinanong ko siya kung bakit. Kasi raw ay bawal ayon sa patakaran sabay hawak sa hikaw niya bilang indirektang pagsasabi ng kasi may suot akong hikaw noon. Sinabi ko na pang-apat ko na iyong dalaw at siya pa nga lagi ang nagbibigay sa akin ng calling pass at tinanong ko siya kung bakit sa pagkakataong iyon ay hindi ako puwedeng makapasok. Ang sabi niya ay mahigpit daw ngayon nang wala nang iba pang paliwanag. Tinanong ko siya na papaano ang mga dalahin namin (bed foam, pillows, food, etc.) at galing pa kami sa lalawigan ng Rizal. Sinabi niya na magtungo raw kami sa entrance gate at doon na makipag-usap. Hindi ko na nakuha ang pangalan niya at hindi ko na rin nalaman pa kung siya ay pulis o ordinaryong empleyado roon.

Tinawagan ko muna ang aking co-high school alumni na police general upang humingi ng linaw sa isyu ngunit nasa meeting siya. Tinawagan ko uli siya pero nasa meeting pa rin.

Nagtungo ako sa entrance gate ng mga bisita at inabutan ko roon ang tuwinang pulis na guwardiya na dinadatnan ko roon tuwing dadalaw ako. Siya si Arturo Abellera. Matapos ulitin sa kanya ang mga napag-usapan namin ng babaeng empleyada, binanggit ni G. Abellera na mahigpit nga raw ang patakaran ngayon. Muli, walang paliwanag. Pero sa kanya rin nanggaling na diskriminasyon nga raw iyon, na binigyang-diin ko rin. Binanggit niya na maluwag lamang noong Pasko at Bagong Taon dahil may mga okasyon nga (pero wala namang pampublikong okasyon noong una akong dumalaw roon pero nakapasok ako nang walang aberya kaya sa puntong ito ay hindi nakatanggap-tanggap ang paliwanag na iyon). Nagdesisyon siya na ipatawag na lang ang aking dadalawin. Matapos ang mahabang paghihintay, hindi pa rin lumabas ang aking dadalawin. Napansin na ako ng kapwa niya pulis-guwardiya na si Cesar de Vera. Narinig ko ang sinabi niya kay G. Abellera na mukha naman daw akong lalaki ay bakit hindi pa ako pinapasok. May dumating na babaeng pulis na nakasibilyan na dati ko na ring nakasalamuha sa minsang pagdalaw ko. Ipinayo niya na ipakiusap sa officer on duty sa overseer's office at baka pumuwede naman. Matapos ang ilang minuto ay sinamahan na ako ni G. Abellera sa overseer's office na una kong pinuntahan upang siya na ang personal na makiusap na papasukin na nga kami ng kaibigan ko. Ngunit siya man ay nabigo rin. Ang magagawa na lang niya ay ipatawag ang dadalawin namin at ipapaharap at ipapakausap sa amin sa loob lamang ng 5-10 minuto.

Bagaman nagpupuyos ang loob ko, pinilit kong kumalma at idinaan sa dasal ang lahat.

Pagbalik sa entrance area ay may iba pang mga dalaw na ayaw ring papasukin. Karamihan sa kanila ay wala pang "carpeta" (official pass na may computer data base). Isang misis ang bumulong sa akin na nalalagyan naman daw ang mga guwardiyang pulis. Ayaw kong gawin bagaman desperado na ako. Naisip ko naman kasi na mukhang may katinuan sina G. Abellera at G. de Vera na ginagawa lamang ang kanilang tungkulin at ayokong magkaroon sila ng impresyon na sinusuhulan ko sila at baka ibuwelta sa akin ay lalo pa akong hindi makapasok.

Mga bandang 10 ng umaga, ipinatawag na nila ang aming dadalawin. Bagaman 5-10 minuto lamang nga ang itinakda nila, napahaba ito dahil na rin sa sina G. Abellera at G. de Vera na mismo ang nagpayo sa mga dinalaw namin na ipakiusap sa mga keeper nila sa loob. Ngunit iisa lamang ang kanilang tugon: tutulungan nalamang nilang ipa-carpeta na lamang daw ako agad para sa susunod na dalaw ko ay malaya na akong makakapasok kahit friend's day o family day.

Bilang pagkilala sa kabutihan nila sa amin (pinayagan nila kaming makausap ang aming mga dadalawin hanggang 12:30pm), inabutan ko nalamang sila ng green apple at cupcakes na pasalubong namin sa aming mga dinalaw.

Bagaman ipoproseso na ang aking carpeta, hindi ko pa rin mapapalampas ang diskriminasyong ito. Una, may mga empleyado rin silang gays at lesbians. Pangalawa, paano kung ang dadalawin ng gay ay gay inmates din (marami rin tayong mga kapatid sa loob)? Kailangan pa ring i-establish na magkamag-anak sila para lamang makapasok eh hindi rin naman lahat ay totoong magkakamag-anak?

Sana po ay matulungan ninyo akong mabigyan ng aksyon ang aktong ito. Maraming, maraming salamat po.

Rb A. Andres

Comments

Anonymous said…
let me just get this straight..... kapa hindi ka kapamilya ang dadalaw at straight acting or straight talaga, pwede? pero kapag effem, kailangan malapit na kapamilya lang? at kung malapit kang kapamilya kailangan mo pa ng mga patunay?

mamatay na ang gumawa ng alituntunin na yan. MAMATAY NA NGAYON!!!!
BUHAY BAYOT said…
habang binabasa ko ito ay nagpupuyos ako sa galit at inis.

Hindi lingid sa ating kaalaman na halos lahat ng ahensya ng ating gobyerno ay bulok ang sistema at lalo nilang iningudngod sa putik ang klase ng kanilang pamamalakad dahil sa kaliwat kanang korupsyon.

dapat itigil na ito. ipaparating ko rin ito sa pamunuan ng bjmp kung anu ang kanilang pahayag.

Nagpapasalamat lamang ako na hindi naisip pa ni RB na bigyan ng pera ang dalawang pulis para lang sila payagang makapasok.

Sa limang bulok, asahan mo na may isa o dalawa pang matino at malinis na natitira
Jffklein said…
isang lantarang pag aalipusta sa ating karapatan.

ipahayag natin ito sa mga kinauukulan para mabigyang linaw ang isyung ito!
Ming Meows said…
bakit wlang paliwanag? Doon ako nabaliw sa walang paliwanang.
Siguro naman may story behind the rule.

Popular posts from this blog

Mga parausang lumang sinehan

NAG DESISYON na ang Korte Suprema na labag sa Konstitusyon ang ordinansa na nagbabawal ng short time sa mga motel sa siyudad ng Maynila. Wala na ring balak pa umanong maghain ng apela si mayor Alfredo Lim sa naturang desisyon. Nagbabala naman si Lim na handa niyang ipasara ang anumang motel sa lungsod ng Maynila sakaling may makita sila na pinapayagan na magpapasok ng mga estudyante para magshort time. Pero, teka, ito talaga ang pakay ko, ang mga lumang sinehan sa Metro Manila. Taong 2005, balak ko na itong iparating sa dati kong boss na Kongresista, ang patuloy na pamamayagpag ng mga lumang sinehan sa Maynila. Subalit, may tila tinik sa aking lalamunan na nakabara. Tila, wala akong boses sa tuwing ako ay maghahanda sa aking mga sasabihin. Tila, nakagapos ang aking mga kamay para isulat ang mga hakbang na dapat kong irekomenda para masulosyunan na ito. Alam ko, ikaw ay pamilyar ukol sa mga lumang sinehan sa buong Kamaynilaan. Sa unang pasok ko sa ganitong sinehan, ako ay tuwang tuwa. ...

Rainbow Blog of the Week

The search is on for the most anticipated competition in the world of blogging parrots. Presenting..... Rainbow Blog of the Week Mechanics. Nomination 1. All members/supporters/visitors are welcome to submit their nominations on the comment page of "Rainbow Blog of the Week". 2. All submitted links or nominations are subject for verification and authenticity. 3. Only the fist five nominees will be accepted every week. 4. The lists are then consolidated and submitted to the screening commitee. 5. All blogs that are previously nominated can be nominated again, except the blogs who won the Rainbow Blog of the Week for three (3) times. Voting 1. Everyone can vote on a daily basis. 2. The poll result shall constitute 40% of the total score. Criteria for judging Aside from the number of votes garnered from the poll, nominees are also given additional points by the judges based on the following criteria. There shall be three (3) to five (5) judges and the average of their scores for...

Discrimination (Again) at Aruba Bar: BB Gandanghari Refused Entry

Aruba Bar in Metrowalk has done it again. This bar, which reeks of discrimination, has continually refused entry to transgenders via a sign at the entrance: No Cross-Dressing. BB Gandanghari went to Aruba Bar & Restaurant because she wanted to watch her friend Rannie Raymundo’s show. But she and her friends were denied entry because they were cross-dressing. A similar incident happened not so long ago - at the same bar, to a different person: Inday Garutay. Continue Reading