Kinailangan ko na kasi magbayad ng 'sang damakmak kong bills. Syempre ang lola nyo, gastos left and right. Ayun, left and right din ang bayarin, may harap at likod pang kasama. Jusmio, ikinataranta ko talaga. Naisipan ko mag-side-line.
May nakapagsabi tungkol sa isang website sa mga online work. Nung una, hindi ako naniniwala sa ganitong klase ng trabaho. Syempre, nakakaduda naman talaga ang bayaran at wala kang pinanghahawakan na legal na katibayan. Dahil desperada na ako, go na nga! Ang hirap kasi humingi ng increase ng sweldo sa office, ang hirap din naman lumipat. Nagbakasakali na ako.
Kinarir ko ang pag-aapply sa mga job postings. Pagandahan na sa cover letter. Iba-iba ang klase ng projects na makikita mo, pang administrative support ang alam ko. Minsan naging ghost blogger pa ako. Eto na ngayon, ang posting, writer for an lgtb travel guide. Naisip ko, why not! Member ako ng community, gala naman ako. Nagpadala ng questionnaire ang employer, ang winner question bakit ko daw masasabi na angkop para sa akin ang magsulat sa travel guide nila. Sinagot ko nga in all caps, BECAUSE I AM A LESBIAN. Hindi ko na naisip na idagdag pa ang ibang experience ko. Tanggap, after 2 minutes kong ibalik ang questionnaire.
Moral of the story, hindi natin dapat ikahiya kung ano tayo. Kahit sa kung anong trabaho pa. Basta law abiding citizen at may takot tayo sa diyos.
Minsan, subukan muna natin bago humusga. Mare, dollars ang bayaran sa online work na yun. Legit sya, hindi ako nadaya and laging bayad.
Magkaroon ng control, control sa sarili at sa paghawak sa perang kinikita. Hindi masama ang magsaya, hindi rin masama ang mag-ipon. Kaya bawal na akong bumili ng isang bagay na pirma ko lang ang kailangan.
Kung interesado kayo sa trabahong sinasabi ko para may extra income: ODesk ang pinuntahan ko.

Comments
teka ma check nga yang website n yan hehe