Isang Katolikong bakla at manunulat ang naglakas-loob na ipaliwanag ang kaniyang kasarian sa liwanag ng pananampalataya.
Nitong mga nagdaang buwan, halos napadalas ang aking pagdulog sa kumpisalan, lalo na’t damang-dama ko ang esensiya ng Semana Santa. Minsan ko nang nakaengkuwentro ang masungit na pari, at nagulat ako sa galit at hindi maipaliwanag na pagmamadali na naranasan ko sa una kong pagkukumpisal sa kaniya: May pagnanais na halughugin ang aking kaluoban, may nasang yugyugin ang pagkatao ng pumapasok sa kumpesyunaryo hanggang maubos ang mga salang ipinadirinig mula sa nipis ng belong pagitan. Matapos nang paglilitanya ng mga nadamang sala sa loob ng mga araw na sumunod matapos ang pinakahuling kumpisal, nag-usisa pa siya. Ano pa? Ano pa? Ngunit sa pagkakataong iyo’y may pagkapagal siya. Kagyat niyang tinapos ang kumpisal ng panghuling panalangin at absolusyon. Nagpaantanda’t nagpadasal ng sampung Ama Namin, Aba Ginoong Maria at Luwalhati sa utos na pagbisita sa Banal na Sakramento.
Muli kong makakadaupang palad ang paring ito, na isang malaking mama, isang puti—maaari’y Amerikano o Europeo tulad ng maraming paring namamahala ng parokyang iyon—na may katandaan na’t kabilugan ang katawan. Maaga-aga akong nakarating sa Simbahan at nakapagtirik na ng kandila’t nakapanalangin na sa mga imaheng nakatanghal sa gilid. Sa pag-upo ko, sa paghihintay sa pagsisimula ng Santa Misa, nakita ko ang kaniyang kabuohang tila may kahirapan at kabagalan sa paglalakad. Kinutuban kaagad akong siya nga ang paring nagtaray sa akin nang huli kong kagulat-gulat na kumpisal. Lumuhod siya sandali sa isa sa mga luhuran at nanalangin. Saka pumasok sa kaniyang munting lunan ng paglilinis ng kaluluwa. Agad akong sumunod, baon ang mga bagay na patuloy na bumabagabag sa aking katahimikan.
Pagpalain po ninyo akong nagkasala, Padre. Ang huli ko pong kumpisal ay dalawang linggo na ang nakalilipas… Sinimulan kong sambitin ang mga sala sa Ingles, at sinikap na damahin ang pagpapakumbabang nararapat sa isang nanghihingi ng tawad. Tinapos ko nang iyon lamang po. Nagulat ako nang kumalabog sa kabila ng dingding. Sinimulan niya akong pagalitan dahil iyon lamang daw ang aking ikinukumpisal. Nagsisinungaling daw ako. Ang boses ay punong-puno ng panlilibak at pag-uusig na noon ko lamang nadama sa buong tanang buhay ko.
Biglang-bigla, sa hindi maipaliwanag na dahilan, sinimulan niyang usisain ang aking buhay sekswal. Makailang ulit kang nag-isip ng malaswa? Makailang-ulit monghinaplos ang sarili? Makailang-ulit kang nanood ng malaswang pelikula? Hindi ako lumabas sa kumpesyunaryo, bagaman gustung-gusto ko na. Namumuhay daw ako sa kasalanang mortal dahil sa mga kasalanang hindi ko sinasabi at inaabangan niyang marinig. Tila naparikitan ang isang munting galit sa loob, isang galit na dama ko dahil sa maraming kontradiksyon ng aking pamumuhay at ng aking pananampalataya. Hindi ako pumayag na masikil ang aking tinig. Sinagot ko siya nang buong tapang, ngunit may paggalang datapwa may paninindigan, sa kabila ng kasinungalingan. Hindi ako nag-isip ng malaswa. Hindi ko hinaplos ang sarili. Hindi ako nanood ng malaswang pelikula. Kulang na lamang ay sabihin ko sa paring nakikipag-usap siya sa isang santa. Dama ko ang espasyong pinagmumulan ng pari: ang espasyo ng paniniwalang labis na makasalanan ang isang lalaki. Paano pa kaya kung nalaman niyang bakla ako? Baka binuksan na lamang niya ang pinto’t kinaladkad ako palabas ng simbahan. Sa huli, matapos ang pagdadabog, itinanong niya na lamang kung makailang ulit akong lumiban ng Misa. Ang sabi ko’y mga apat at lima. Iyan ay limang mortal na kasalanan! Patuloy niya akong pinagalitan dahil sa palagay niya raw, hindi ako handa sa pagpasok sa kumpesyunaryo. Na dapat daw ang pinagmumunihan ko ang lahat ng aking sala bago ako magkumpisal. Sinubok kong balikan ang sarili sa bahaging iyon, at nakatiyak naman ako sa pagpapasyang magkumpisal. Alam ko ang sasabihin, ang mga dala. Binuksan ko ang sarili sa kinatawan ng Diyos sa lupa. Ngunit tila marunong pa siya sa aking kunsiyensiya. Lumabas akong bahagyang naguguluhan, baon ang tatlong Aba Ginoong Maria na utos na pagtitika.
Hindi ito ang una. Noong bata-bata pa ako, lumahok ako sa isang charismatic group na pangkabataan, at habang nagsisimula ito’y nagustuhan ko ang mga turo. Sa huling gabi ako ginimbal. Kasama ko noon ang ilang kabataang lider ng komunidad. Batid na nila noon ang gaslaw ko, ang kaibhan ko sa mga batang lalaking naroroon—na hindi ko naman ikinahihiya (bagaman hindi pa ako naglaladlad). Sinabihan nila akong huwag daw mag-alala: dahil matapos daw ng “pray over” at “baptism of fire,” mawawala na raw ang “kabaklaan” ko. Tinabangan ako. Mabuti na lamang at hindi ako nagpumilit umuwi. Dala ko ang pananabang na ito kahit pa noong papasok sana ako sa isang monasteryo upang maging monghe. Sinubok ko kasing mag-isip-isip, kumunsulta nang regular sa isang paring-kumpesor sa noon, na kinainisan ko kaagad dahil pakiramdam ko’y hinuhusgahan niya ako dahil sa aking seksuwalidad.
Ngunit sa kabila nito, wala akong kahit gabutil na agam-agam o sama nang loob hinggil sa aking pagiging Katoliko ko, at sa pagiging bakla ko. At ang totoo’y hindi ako gaanong nagkaroon ng suliranin sa pagiging bakla ko’t Katoliko. Bagaman may ilang kakatwang pangyayari na ngang naganap sa akin na tumutugis sa aking pananalig at seksuwalidad. Hindi ko lamang siguro gaanong iniisip at dinidibdib dahil iba na rin naman ang relasyon ko sa Diyos—malalim na’t higit na personal. Wala nang pumapagitan.
Umaayon din ako sa makata at kritikong J. Neil Garcia na pinakamaganda pa ring kalagyan ng isang bakla ang Katolisismo. Ang sabi niya, “the homophobic teachings of the Western Christian (and not just Catholic) church are, thankfully enough, like most other dogmas, hardly understood by Filipinos.” At sa totoo lamang, napakagandang interteks sa akin ni Garcia, dahil halos magkahalintulad ang aming mga karanasan. Sa pagbabasa ko ng kaniyang sanaysay na “Why am I Catholic?”, tila nasagot din ang tanong ko kung bakit ako nananatili sa kawan: “I am Catholic because I realize how all very human and humanizing Catholic ritual is.”
Ngunit nitong huli’y naging sudlungan ng pagmumuni para sa akin ang kung ano ang katuturan ng Katolisismo sa akin, at ng homoseksuwalidad. Ang dalawang ito’y bahagi ng aking buhay—hininga ko ang mga ito, kinakain, ninanamnam, niyayakap, at ngayon nga ay inuusig upang higit na hagkan ng liwanag. At bahagi rin ito ng marami pang buhay, ng buhay ng ilan pang baklang namumuhay sa ilalim ng pananampalataya. Ako mismo’y nagtanong: bakit nga ba na sa kabila ng mga danas na ito’y nananatili pa ako rito, tulad ng marami pang iba?
Malinaw sa akin ang isang sistema ng paniniwalang may munting pagtutol ang Simbahan sa aking seksuwalidad. Nauunawaan ko ang konserbatismo nito, lalo ngayon sa kamalayang mayroon ako. Tinututulan nito ang anumang akto ng homoseksuwalismo na hindi naaayon sa dakilang plano ng paglikha. Sa agham, malaong itinuring ang mga tulad namin bilang maysakit. Ngunit hindi na sa mga panahong ito. Ngayon, malay na tayong hindi ito dulot ng basta-basta karaniwang pagpili. Unang-una’y hindi ito pinili—ito’y isang handog, tulad ng mga pandama, ng mga talento, ng mga kakayahan. Ngayon, mapagpatawad kami dahil maraming kakitiran ng paninindigan ang namayani sa ating pananampalataya. Matagal na itong naghunos, awa ng Diyos.
Nakapaglarawan man ako ng mga karanasan ng pagbubukod o marginalization kung tutuusin, ngunit maaaring ituring ang mga ito bilang mumunti o isolated (karamihan marahil ay taboo at hindi pinag-uusapan). Kaya nga siguro tolerant na matatawag, o subtle, hindi lantad ang anumang pagtutol. Hindi ko tiyak kung magagalit ako sa katotohanang ito, ngunit nais kong isiping mas mapagpatawad lamang ako.
Hindi ko alam kung ganito rin ang iniisip ng mga kabaro ko, ngunit sa akin, hindi lantad ang mga ganitong uri ng pagbukod. Hindi tulad sa ibang bansa na talagang may mga insidente ng karahasan laban sa mga bakla. Marahil, malay talaga at gumagalang ang lipunan sa kakayahan at katauhan ng mga bakla. Sapagkat hindi sila batsa-basta lamang—sila’y magagaling sa kanilang mga piling larangan, na hindi lamang pinamamayanihan ng kababaihan (isang pagkakahon!) kundi maging ng mga kalalakihan. Siguro’y ito na lamang ang aking kunsuwelo, ang tanging dahilan kung bakit ako naririto, nananatili.
Kaya nga itinatanong ko sa sarili kung talaga bang may marhinalisasyon sa aming mga bakla. Kung dangan naman kasi, sa usapin ng marhinalisasyon o pagbubukod, laging may nadadawit na nakataya. Sa akin kasi, hindi ko gaanong nadama ang bigat ng pagpili—at hindi dahil wala akong mapipili.
Ano nga ba kasing nakataya kung minsan akong kagalitan ng pari, o pagdudahan ng isang pari ang aking pagnanasang maglingkod sa Diyos, o libakin ako ng isang kapanalig sa isang komunidad dahil lalamya-lamya ako? Maaari kong piliin ang maglunoy sa sama ng loob, at talikuran nang tuluyan ang Inang Simbahan. Ngunit hindi. Hindi ito gaanong mabigat. Hindi ko ginawa dahil hindi nasira ng mga ito ang aking pananampalataya. Oo, ang mga danas ko’y sa kamay ng mga tila hindi maka-Kristiyano, ngunit ano ba ang nakataya para sa akin? Wala ang mga ito kung iisipin ko ang ibang totoong nagtataya ng sarili.
Sa palagay ko, ang tunay na nagtataya ng kanilang sarili ay iyong mga baklang nangangahas na lumantad gawin ang hindi sinasang-ayunan. At iginagalang ko silang mga nagpapakasal sa pamamagitan ng mga “domestic union,” at nagtatayo ng pamilya. Sinasabing sinisira nila ang “lantay” na konsepto ng pamilya. Sa palagay ko’y ang mga tulad nila ang talagang nabubukod, lalo sa usaping ito, at lalo’t higit kung sila’y lumalantad. Matatapang sila. Nakataya ang kanilang dangal dahil sila’y huhusgahan.
Iginagalang ko rin ang mga nagtatago ng katauhan sa likod ng kanilang mga sagradong abito. Malaki ang nakataya sa kanilang panunungkulan. Marahil, lagi’t laging nagtatalo ang kanilang puso at isip dahil pakiramdam nila’y nakukulong sila sa piitan ng kanilang banal na tungkulin. Ngunit nagsisilbi pa rin sila. Nagbabasbas, nagaabot ng Katawan ni Kristo, nakikinig nang mabuti sa mga kumpisal. Kung sila naman ang mabibigyan ng kumpisal, palagay ko’y wawasakin nila ang kortina. Higit nilang ihahayag ang papuri sa Diyos.
Iginagalang ko ang mga baklang layko na naglilingkod pa rin sa simbahan, sa kabila ng palagay ng kaniyang simbahan hinggil sa kaniyang seksuwalidad. Silang mga isinasantabing inaakalang mahuhusay lamang maglagak ng bulaklak tuwing Flores de Mayo, o kumumpas-kumpas para gabayan ang koro. Silang mga mambabasa sa pulpito dahil magagaling silang bumigkas ng mga salita. Silang mga tumutulong sa pagsasaayos ng mga gawain ng ating parokya. Malikhain silang lahat. Nakikibahagi sa pagkamalikhain ng Diyos. Kapuri-puri ang kanilang paghahandog ng sarili, dahil tinatanggap nila ang tungkuling hinding-hindi kukunin ng mga macho sa baryo. Itinataya nila ang kanilang kakayahan.
Iginagalang ko rin lalo na ang mga tunay na marhinalisado: ang mga baklang walang pinag-aralan, ang baklang mahihirap na nagsusumikap man ay hindi nabibigyan ng pagkakataong hanguin ang buhay. Ang marhinalisasyon ay hindi lamang sa anyo ng pananakit sa loob at laman ng sinuman. Ang marhinalisasyon ay ang pagpapabaya sa sino man sa kaniyang antas ng kahirapan o kadustahan. Pagbubukod ang anumang anyo ng pagpapabayang matamasa ng isang tao ang kaniyang kadakilaan—at kasangkot dito hindi lamang ang estado, kundi maging ang simbahan. At ang nakataya rito ay ang kanilang buhay.
Sa pagmumuni kong ito, agad kong naisip ang imahen ng tupang rosas. Sa biblikal na salaysay, laging iba ang kulay ng tupang naliligaw—tupang itim sa popular na idyoma. Gayundin marahil ang nagaganap sa isang tupang rosas (o pink, siyang kilalang kulay-simbolismo ng homoseksuwalismo). At dahil nga bahagi ng kawan, hinahagilap ito ng Mabuting Pastol upang hindi maligaw o masawi. Dito sa paglalapat na ito maaari nating hawanin ang aral ng kabutihang maaaring gamitin sa pagbasa sa tupang rosas. Tulad ng Mabuting Pastol, nararapat marahil ang pagbabalik sa aral ng pagtanggap sa mga bakla—at maging sa mga lesbiana, transgenders at bisexual. Hindi naman hinihingi ang kanilang paglaladlad para magkaroon ng pagtanggap. Hinihingi lamang marahil ang pag-unawa at patuloy na pangangalaga sa kanila bilang kabahagi ng simbahan. At ang panganagalagang ito’y hindi nangangahulugan ng repormasyon—hinding-hindi! Ang pangangalaga’y tulad ng sa ordinaryong Katoliko, dahil Katoliko rin naman kami at hindi naman talaga iba.

Comments
basta ako catholic, ayaw man nila or hindi
baklang catholic ako and i dont give a fuck what they think