Skip to main content

Mayang Bungol

Noong ako’y nakatira pa sa city, puro lantarang bading ang mga barkada ko. Iba’t-iba ang pinanggalingan ng mga miembro ng aming grupo na tinawag naming the Madrigal Sisters—designers, make-up artists, beauticians, office girls at may ilang guro.

Tuwing December, ginagawa namin ang isang party— kasama na dito ang “Madamdaming Gabi ng Parangal” kung saan binibigyan ng award ang mga baklang nagbigay ng “pinakamahusay na pagganap” bilang pangunahin at pangawalang artista. Ito ang taunang pagbibigay-pugay namin sa mga baklang gumawa ng ekandalo, drama, komedya at iba pa.

Ni minsan, di ako nanalo ng award sa patimpalak na ito. Kahit na ang performance ko sa pelikula kong “Lace,” kung saan ako ay pinagsuot ng “lace na panty” ng aking straight na partner dahil turn on daw sya dito, ay tinalo ng pagganap ng isang bakla bilang “deaf-mute” para lamang maawa sa kanya ang taxi driver at pumayag itong magpahada sa kanya. Ang title ng kanyang pelikula ay “Children of a Lesser Gosh.”

Namimigay din kami ng iba’t-ibang awards—tulad ng Sahara Award para sa baklang may pinakamadalang na hada sa buong taon at CNN (Chismosa News Network) Award para sa pinakamabilis na magpakalat ng balita—totoo man o hindi. Cactus ang trophy para sa Sahara awardee. Rabbit antenna naman para sa CNN. Di rin ako nanalo ni isa sa dalawang award na ito.

At sa taunang seremonya ng mga bakla, iba’t iba ang motif. May year na “Flight Attendants” ang drama. Meron namang naka-gown dapat. Meron ding “below P500,” kung saan di dapat lumampas ng P500 ang budget sa outfit.

Nakadamit pambabae ang mga bakla . Nakamake-up. Naka-high heels. Naka-wig.

Ako lang ang hindi.

Bakit? Dahil ako ay isang MAYA.

Dito sa amin, Maya ang tawag sa mga straight-acting na bading. At bakit maya? Kasi ang mga maya, ang dating pambansang ibon, ay mga bingi daw.

Anong koneksyon? Dahil ang straight-acting bading, kapag dumadaan sa mga lugar o grupo ng mga lantarang bading, nagbibingbingihan ito. Parang walang nakikita. Parang walang naririnig. Thus, tinawag kaming mayang bingi, o sa bisaya pa e “Mayang Bungol.”

Ako ang Mayang Bungol na nakikibarkada sa mga maiingay na parrots. Ako lang ang brown na ibon na pinapaligiran ng mga makukulay na love birds.

Masaya sa piling ng mga ibong di ko kapareho ng feathers. At madalas, ako ang nagbibigay buhay sa grupo. Ako lang naman po ang tanging bakla sa grupo namin ang pinapahinto ng gwardya sa shopping mall upang i-frisk o i-check ang bag. Lahat sila diretso pasok. Ako lang naman po ang mukhang terorista sa grupo namin, kahit pa sintulis ng kutsilyo ang kilay ng mga bakla.

At dahil sa aking pagiging Mayang Bungol, nakaaway ko ang isang parlorista.

Minsan kasi, nang dumaan ako sa kanyang parlor, sinigawan nya ako ng “Mayang Bungol!”

Binalikan ko sya. Sinigawan ng: “Hindi ako Mayang Bungol! Bakla ako!”

Sinumbong ko rin sya sa mga kaibigan ko. Dumami ang kaaway nya.

Never syang naimbitahan sa “Madamdaming Gabi ng Parangal.”

Para sa amin, hindi totoo ang kasabihang “Birds of the same feather flock together.” Para sa amin, “Birds of the same feather make a good feather duster.”

Comments

Anonymous said…
Napaisip ako tuloy kung ano ang magiging award ko. Puwede sigurong "Explosionera Award", sa kakatungga ng Biguerlai. hihihi
... said…
when i was younger, i used to hate 'mayang bungol' because i don't know why they hide their 'true' selves. i have a better understanding now. i embrace all types. =)
bananas said…
ako'y naging maya din nuon. at nong naniniwala pa ako at aktib pa sa aming church, dyoin ako lagi sa FLORES DE MAYA.
Yffar (^^,) said…
nilagay ko sya sa Violet kasi I dont know how to categorize this yet

hahaha.. kaya it's anything under the sun...
Jffklein said…
korek ka jan mandaya!
mayang bungol nga ang tawag jan!
am from ozamiz at alam na alam ko ang mga labels na yan in bisaya.

being a maya bungol is a choice. i have nothing against that kung yan ang way mo of living the rainbow life. kampai!

pero let me leave you all this phrase.

birds of the same feather, eat worms :D
Lyka Bergen said…
Bat yung mga parrots minsan ay galit sa mga Maya? At may mga Maya namang galit sa Parrots?
Anonymous said…
ay ako baka mega win ng CNN award! hahahaha! salamapt po sa mga chismosang manang ng aming simbahan sa pagtetrain sa akin.

maya na ako kung sa maya, masaya ako sa pagiging maya. siguro tigilan na lang natin ang pag bra-brand sa isa't isa. dapat united tayong mga bakla.
ken'ichii-san said…
hey guys...
sino ang moderator ng blog?
paki ayos naman yung template ng rainbow kase nag kacrash sya when u open the page on internet explorer 6
unlike pag open sa mozilla ok sya...
thanks!!!
Anonymous said…
Sabi nga sa Wordcamp: Kill IE. Isa siyang salot... charing!

Anyway, I'm sure magagawan 'yan ng paraan.
Gayzha said…
Vongga talaga magsulat ang Mandaya ... More please!
ken'ichii-san said…
May mga readers kasi na ginagamit is IE6 eh... anyways i advice them to upgrade to internet explorer 8
though im using both ie8 and firefox v3
marami ng glitches ang na fix ng IE8
repah said…
kurak.. ay nku.. ateng patambay na ako sa balay mo ha... gusto ko ring resbkan ang parlolistang yun.. ng mkaganti rin.. hehehe
Kiks said…
in principles natin sila atakihin.

pag namisikal, atak kung atak.

ang mga ibong pumipiglas, nagiging phoenices.

phoenices - ito ba ang plural ng phoenix?
Paul said…
As what the saying goes Mandy... sabwagi ug tipasi ang mall kay ma-ilhan jud nimo kinsa ang mga Mayang Bungol! Bwahahahaha...

Popular posts from this blog

Mga parausang lumang sinehan

NAG DESISYON na ang Korte Suprema na labag sa Konstitusyon ang ordinansa na nagbabawal ng short time sa mga motel sa siyudad ng Maynila. Wala na ring balak pa umanong maghain ng apela si mayor Alfredo Lim sa naturang desisyon. Nagbabala naman si Lim na handa niyang ipasara ang anumang motel sa lungsod ng Maynila sakaling may makita sila na pinapayagan na magpapasok ng mga estudyante para magshort time. Pero, teka, ito talaga ang pakay ko, ang mga lumang sinehan sa Metro Manila. Taong 2005, balak ko na itong iparating sa dati kong boss na Kongresista, ang patuloy na pamamayagpag ng mga lumang sinehan sa Maynila. Subalit, may tila tinik sa aking lalamunan na nakabara. Tila, wala akong boses sa tuwing ako ay maghahanda sa aking mga sasabihin. Tila, nakagapos ang aking mga kamay para isulat ang mga hakbang na dapat kong irekomenda para masulosyunan na ito. Alam ko, ikaw ay pamilyar ukol sa mga lumang sinehan sa buong Kamaynilaan. Sa unang pasok ko sa ganitong sinehan, ako ay tuwang tuwa. ...

Rainbow Blog of the Week

The search is on for the most anticipated competition in the world of blogging parrots. Presenting..... Rainbow Blog of the Week Mechanics. Nomination 1. All members/supporters/visitors are welcome to submit their nominations on the comment page of "Rainbow Blog of the Week". 2. All submitted links or nominations are subject for verification and authenticity. 3. Only the fist five nominees will be accepted every week. 4. The lists are then consolidated and submitted to the screening commitee. 5. All blogs that are previously nominated can be nominated again, except the blogs who won the Rainbow Blog of the Week for three (3) times. Voting 1. Everyone can vote on a daily basis. 2. The poll result shall constitute 40% of the total score. Criteria for judging Aside from the number of votes garnered from the poll, nominees are also given additional points by the judges based on the following criteria. There shall be three (3) to five (5) judges and the average of their scores for...

Discrimination (Again) at Aruba Bar: BB Gandanghari Refused Entry

Aruba Bar in Metrowalk has done it again. This bar, which reeks of discrimination, has continually refused entry to transgenders via a sign at the entrance: No Cross-Dressing. BB Gandanghari went to Aruba Bar & Restaurant because she wanted to watch her friend Rannie Raymundo’s show. But she and her friends were denied entry because they were cross-dressing. A similar incident happened not so long ago - at the same bar, to a different person: Inday Garutay. Continue Reading