Skip to main content

Dear Becky: Adik ang Boyfriend Ko sa G4M

Dear Becky,

Sumulat ako sa inyo dahil may problema po ako sa aking boyfriend. Tawagin niyo na lang po akong Roger, 22 years old at isang aspiring filmmaker. Tatlong taon na ang relasyon namin ni Sam, 21 years old at nakikitira sa aking apartment. Pareho kami ng pamantasang pinagmulan.

Last year kasi, napansin kong nagba-browse siya sa aming computer ng Guys4Men.com. Isa po siyang website para sa mga lalakeng gay at bisexual na makahanap ng mga kaibigan o karelasyon. Tinanong ko kung para saan ang paghahanap niya sa G4M, ang sabi lang niya para lang daw ito sa kanyang research paper. Dahil malaki ang tiwala ko sa kanya, naniwala po ako.

Kaya lang Becky, isang taon na nang nagtapos kami sa pag-aaral at G4M pa rin ang inaatupag niya sa computer. Sinabihan ko siya minsan na matagal-tagal na research naman iyon, pero sabi lang niya wala naman daw masama sa G4M. Sa loob ko kinakabahan ako, lalo na't panay ang pakikipagtext ni Sam na ayaw naman niyang banggitin kung sino ang mga 'yon.

Hanggang sa isang araw, narinig ko na lang po sa isang kaibigan na nakikipagkita si Sam sa isa niyang kakilala na gay din, at pinagyabang pa ng kakilala niya na naka-sex niya si Sam. Pakiramdam ko nagkakilala sila dahil sa G4M. Hanggang ngayon wala pa ring naririnig si Sam mula sa akin.

Paano ko siya kakausapin tungkol dito? Dapat ko ba siyang hiwalayan o patawarin sa kanyang minsang pagkakamali?

Sumasainyo,
Roger

Comments

mrs.j said…
hmmm...

mahirap kalaban ang g4m...
lalo na pag "adik" na..

dapat maguusaup un ang key. ung both of you will lay down your cards. bakit ganito ka?, anung nangyayari satin?, hindi na ata magnda yan...

maga gnyan ba.

dapat both of you din e wla munang pride o kung anuman para madiling magusap. mahal nio ang isat isa wag sayangin ang ang pinagsamahan.

pag di nagwork ay te ipagdasal mo na mawala na ang g4m!

..
..
..
oops.. marami nga lang maggalit sayo hihi smile lang. for as long as no proof at rumor pa lang mapguusapan yan.

my sense ba ko? o well pray din.
Kiks said…
Roger, nandyan ka ba? Roger?

Una, have you defined what relationship you're both into?

Monogamous ba ito o open?

Kailangan nyong ma-determine ito kasabay ng pagtukoy ng boundaries, etc.

At kung magdesisyon kayo na OPEN ang relasyon, advise him to bring a condom.

At ikaw din.

Roger? Roger.

10-4!
bananas said…
hahahaha...gusto kong mamatay sa mga payo ni mrs j and kiks. peste masyado ang 10-4 ni kiks. masyadong 90s. long uso pa ang kit-kit. u know, that two-way radio. like, redjurrrrrr...

yes, redjurrrrr. kung adik na ang sam, as in, lulong na, kailangan na nitong maiparehab. ang ibig kong sabihin ay dapat nyang mamili--ikaw ba o ang mga keks na kanyang namimit dahil sa g4 at sa pleasure na nakukuha nya dito. ibig sabihin nito ay kailangan nya ring mamili--titira pa rin sya sayo o bababo.

ito ay isang pamimili na rin sayo. proseso ito na hindi lamang para sa kanya kundi para na rin sayo.

ibig sabihin ay kailangan mo ring magparehab.
jericho said…
baklang roger, hindi g4m addiction ang usapin sa BF mo. ang usapin (kung usapin nga sa'yo ha) eh nakipag-dyug sya sa iba. at magagawa nya yun kahit walang g4m .. may fuckrace naman devah .. kahit nga friendster eh.
zico said…
dear roger...

ang g4m ay g4m... ndi na maiiba yan
ang jowa mo, kung malandi yan, malandi talaga yan ke me g4m man o wala

sa akin, ive been a member of g4m for 3 years now, it has given me quite a few unforgettable experiences... o mga ineng, wa taas kilay, ndi lang jug jug ang hinabol ko sa g4m... pero aside dun hehehe may friendships na nabuo, nasira, nabuo ulit at ultimately nasira na... may mga naka "relasyon" na din ako na parang ganyan ang kalagayan sa jowa mo... jowa-kami-look-pa-sya-ng-iba-pretending-to-be-friends ang drama ng potah!

pero ang tanong ng bayan... tama nga si kapatid na Kiks... closed o open ba kayo... or close-open or open

nyeta anu beh... parang may sanggol akong kinakantahan ng close-open.... lolz

anyway, nasa tao naman yan eh, nasa inyong 2

ikaw... kung may tiwala ka sa jowa mo na ndi sya gagawa ng kalokohan at hanggang dun lang (sa pa message message at txt) at ndi na aabot pa sa kung ano... aba eh hayaan mo lang... no need to be insecure sa mga pwede nyang makilala (unless...)


sa iyong jowa... na kung makikipag "kaibigan" man sya eh may limitations, alam nya dapat kung hanggang saan lang sya... kase dapat natural naman sa tao ang mahiya... breeding yun eh... aba eh kung libog ang inuuna nyan kesa ang kahihiyan... (ineng... magisip-isip ka na)


*DISCLAIMER

pero eto becks ha... tunay ito at totot!!!
ang isang tao (bading, str8, tibo) ay by nature, no contentment...
we are all polygamous kaya nasa sa inyo na yun kung papano nyo aayusin ang gusot na ito

kung tingin mo ndi mo kaya ang ganyang set-up... fly away ineng

kung keri naman... aba rendahan mo ang jowa at wag kang mag emote emote na parang sumusulat ka kay ate charing...

neng naman... wag paapi... develop urself, dont be insecure... e ano kung ang kyeme eh naka sex nya ang jowa mo... bakit ikaw ba indi???!?!?! (iba ang lagay kung hanggang ngayun ndi mo pa nalalawayan yan...)indi naman di ba, ikaw pa ang nauna... so mas maganda ka... saka ang mga ganyang kyeme... naku maraming badets halaw lang sa alamat ang kadalasang claims na naka jug ko si ganito, naka jug ko si ganyan (dami ko kilala nyan heheheh) pagusapan nyo... know the boundaries...

Aaaay Laaav Et!!!
ciao bebe!

Popular posts from this blog

Mga parausang lumang sinehan

NAG DESISYON na ang Korte Suprema na labag sa Konstitusyon ang ordinansa na nagbabawal ng short time sa mga motel sa siyudad ng Maynila. Wala na ring balak pa umanong maghain ng apela si mayor Alfredo Lim sa naturang desisyon. Nagbabala naman si Lim na handa niyang ipasara ang anumang motel sa lungsod ng Maynila sakaling may makita sila na pinapayagan na magpapasok ng mga estudyante para magshort time. Pero, teka, ito talaga ang pakay ko, ang mga lumang sinehan sa Metro Manila. Taong 2005, balak ko na itong iparating sa dati kong boss na Kongresista, ang patuloy na pamamayagpag ng mga lumang sinehan sa Maynila. Subalit, may tila tinik sa aking lalamunan na nakabara. Tila, wala akong boses sa tuwing ako ay maghahanda sa aking mga sasabihin. Tila, nakagapos ang aking mga kamay para isulat ang mga hakbang na dapat kong irekomenda para masulosyunan na ito. Alam ko, ikaw ay pamilyar ukol sa mga lumang sinehan sa buong Kamaynilaan. Sa unang pasok ko sa ganitong sinehan, ako ay tuwang tuwa. ...

Rainbow Blog of the Week

The search is on for the most anticipated competition in the world of blogging parrots. Presenting..... Rainbow Blog of the Week Mechanics. Nomination 1. All members/supporters/visitors are welcome to submit their nominations on the comment page of "Rainbow Blog of the Week". 2. All submitted links or nominations are subject for verification and authenticity. 3. Only the fist five nominees will be accepted every week. 4. The lists are then consolidated and submitted to the screening commitee. 5. All blogs that are previously nominated can be nominated again, except the blogs who won the Rainbow Blog of the Week for three (3) times. Voting 1. Everyone can vote on a daily basis. 2. The poll result shall constitute 40% of the total score. Criteria for judging Aside from the number of votes garnered from the poll, nominees are also given additional points by the judges based on the following criteria. There shall be three (3) to five (5) judges and the average of their scores for...

Discrimination (Again) at Aruba Bar: BB Gandanghari Refused Entry

Aruba Bar in Metrowalk has done it again. This bar, which reeks of discrimination, has continually refused entry to transgenders via a sign at the entrance: No Cross-Dressing. BB Gandanghari went to Aruba Bar & Restaurant because she wanted to watch her friend Rannie Raymundo’s show. But she and her friends were denied entry because they were cross-dressing. A similar incident happened not so long ago - at the same bar, to a different person: Inday Garutay. Continue Reading