Habang nagpapalaboy-laboy sa blogworld, isang piktyur ng lalake, siguro mga edad trenta o sobra pa, ang kumuha ng atensyon ko. Maskulado ang pangangatawan niya na suot lang boxer shorts. Sa ilalim ng piktyur na yon ay nakalagay ang, " I'm hot and expert!". Habang sinusulat ko ang part na to, nagsimula namang tumugtog sa celfone ko ang Careless Whisper ni George Michael. Kaloka. Pang gaybar ang drama. Napatigil tuloy ako sa pagsusulat at nagmunimuni muna. Hay! Kawawa naman ang mga single na katulad ko. Siguro mga dalawang minuto lang, natauhan din si Maganda. Ipagpapatuloy ko na sana ang sinusulat ko ngunit bigla namang umarangkada si kuya Gary V sa kanyang Take Me Out of the Dark. Ano ba? Wrong tayming naman yon. Inistap ko muna at itinuloy ko na ang naudlot kong paggawa ng madamdaming nobela. Charing daw sabi nila. Pero in fairness, maganda ang Pooh at Pokwang tandem! Tse! Saan na nga ba tayo? Nananaginip ka naman bading. Bumalik ka muna sa katinuan mo. Oo, ayon nga. Hot...
One-stop shop for Filipino LGBT